PARA sa OPM band na Ben&Ben, higit pa sa isang pangarap na natupad ang makasama sa isang stage ang sikat na international singer na si Ed Sheeran.
Noong March 9 nang magkaroon ng concert sa Pilipinas ang sikat na popstar at naka-jamming niya mismo ang Ben&Ben.
Ginawan nila ng rendition ang hit song na “Maybe The Night” ng folk-pop band sa SMDC Festival Grounds sa Paranaque City.
Sa isang Instagram post, ibinandera ni Miguel Benjamin ang once-in-a-lifetime opportunity kasama si Ed.
Ayon sa kanya, feeling niya ay nananaginip pa rin siya at sabay na pinasalamatan ang sikat na singer.
Baka Bet Mo: Ben&Ben balak magtayo ng foundation para sa mga tinutulungang komunidad; Miguel nag-a-adjust pa rin sa married life
“Last night, Ed Sheeran sang our song ‘Maybe the Night’ in his set and asked us to jam with him,” caption niya.
Mensahe pa niya, “Thank you for having such a generous heart in sharing your stage, @teddysphotos. You’ve been a huge blessing and inspiration to so many musicians and fans, us included! This will forever be deep within our core memories.”
Bilib na bilib naman si Paolo Benjamin sa naging performance nila sa concert at ibinida ang isang picture na makikitang nag-bow ang kambal kay Ed.
May litrato rin na yakap nilang dalawa ang batikang singer.
“Bowing to [you] sensei @teddysphotos,” sey niya.
Wika pa niya sa IG post, “Thank you for inspiring us all. On behalf of all Liwanag and our bandmates in @benandbenmusic, we labyu.”
Kwento naman sa official Instagram page ng Ben&Ben, hindi pa rin sila makapaniwala sa mga nangyari.
Ibinunyag din nila na bago ang pagtatanghal ay naka-bonding at nag-karaoke pa sila with Ed.
“After our set, sinalubong niya kami backstage at kinamayan niya kaming lahat. Nakipagkwentuhan pa muna siya ng konti samin, na parang kaibigan lang namin,” chika ng banda.
Dagdag pa nila, “Grabe, we still can’t believe it. Para kaming nasa panaginip. We’re so grateful. We’re extremely happy. Sobrang kinikilig pa rin kami hanggang ngayon.”
“To share the stage with such a genuine and brilliant artist is a great honor and more than that, to have conversations with this very same person is beyond our wildest dreams,” ani pa ng grupo.
Ito na ang ikatlong beses na bumisita sa ating bansa ang international singer-songwriter bilang parte ng kanyang concert tour.
Nauna siyang magkaroon ng Manila concert noong 2015 at 2018.
Ilan lamang sa mga kantang pinasikat niya ay ang “Sing,” “Thinking Out Loud,” “Shape of You,” “Give Me Love,” at marami pang iba.