MATAPANG pa rin na pinanindigan ng drag queen na si Pura Luka Vega na wala siyang ginagawang krimen matapos maaresto sa ikalawang pagkakataon.
Ipinagpilitan ni Pura Luka o Amadeus Fernando Pagente sa tunay na buhay, na hindi kasalanan ang ginawa niyang “Ama Namin” drag performance sa isang event kung saan ginaya niya ang Poong Nazareno.
Aniya sa panayam ng media last March 8, ang ginawa niya ay expression lamang niya ng kanyang pagiging queer at ng kanyang faith sa Panginoong Diyos.
“I stand firm to my beliefs that I did not do anything wrong. This is purely my expression of my queerness and my faith and there’s nothing wrong with that,” pahayag ni Pura.
Baka Bet Mo: Pura Luka Vega humarap na sa korte, giit pa niya: ‘Drag is NOT a crime…This is hate!’
Aniya pa, “I hope people would get to see it the way queer people see it. Drag is never a crime. It’s really just an expression and it’s a beautiful art form.”
Naniniwala rin si Pura na malalagpasan din niya ang pagsubok na ito sa kanyang buhay. Kailangan daw niyang magpakatatag at maging matapang para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
Last February 29, inaresto uli si Pura ng mga pulis dahil pa rin sa mga reklamo sa kanyang “Ama Namin” drag performance last year.
Baka Bet Mo: SB19 Stell never makakalimutan ang eksena nang makasama ang BTS sa Korea: ‘Happy din daw sila na na-meet nila kami’
Pansamantala siyang nakalaya last March 1 matapos magpiyansa ng halagang P360,000. Una siyang inaresto noong 2023 ng mga tauhan ng Manila Police District dahil din sa naturang kaso.
Nakalaya rin siya makalipas ang tatlong araw sa kulungan after niyang magpiyansa ng P72,000.
Tungkol naman sa pagdedeklara sa kanya ng persona non grata sa mahigit 20 lugar sa bansa dahil pa rin sa umano’y pambabastos niya sa Simbahan at sa Poong Nazareno, bukas naman daw siya sa maayos na usapan.
“Tell me EXACTLY what I did wrong. I’m open for a dialogue and yet cities have been declaring persona non grata without even knowing me or understanding the intent of the performance.
“Drag is art. You judge me yet you don’t even know me,” ang sey ni Pura Luka Vega.