INANUNSYO na ng Miss World ang mga naggagandahang kandidata na pasok sa Top 12 semi-finals.
Kasalukuyang ginaganap ang coronation night ng nasabing kompetisyon sa Jio World Convention Center sa Mumbai, India.
Narito ang kumpletong listahan ng mga bansang maglalaban-laban para sa Top 8:
Leticia Frota ng Brazil
Maria Martinez ng Dominican Republic
Aché Abrahams ng Trinidad And Tobago
Lesego Chombo ng Botswana
Liza Gundowry ng Mauritius
Hannah Tumukunde ng Uganda
Baka Bet Mo: Nanay at tatay ni Miss World PH 2022 Gwendolyne Fourniol hindi magiging magdyowa kung walang ERDA
Krystyna Pyszková ng Czech Republic
Jessica Gagen ng England
Paula Pérez ng Spain
Kristen Wright ng Australia
Sini Shetty ng India
Yasmina Zaytoun ng Lebanon
Mula sa Final 8, pipillin naman ang Final 4 at kasunod na niyan ay ang first runner-up at ang bagong reyna ng Miss World.
Samantala, nagtapos sa Top 40 quarter-finals ang ating pambato na si Gwendolyne Fourniol.
Kahit hindi maiuuwi ni Gwendolyne ang korona, asahan na proud na proud pa rin ang buong Pilipinas dahil sa husay at galing na ipinamalas niya sa buong kompetisyon.
Ibinigay niya ang kanyang buong puso upang makapasok sa fast track events ng pre-pageant, kabilang na ang “Top Model,” “Head-to-Head,” “Sports,” at “Talent.”
Dahil diyan, napabilang siya sa mga naging Top Picks ng ilang online pageant forecasts na posibleng mag-uwi ng Miss World title.
Naging Top 9 ng Missosology si Gwendolyne, pang-19 naman siya pagdating sa final picks ng Sash Factor at para naman sa Pageanthology ay 14th place siya.
Kung matatandaan, ang original schedule ng 71st edition ng international pageant ay noon pang June 2022 pero ito ay ilang beses nang naudlot dahil sa COVID-19 pandemic.
Si Megan Young palang ang Pinay na nagwagi ng Miss World title na ginanap sa Indonesia noong 2013. Siya ngayon ang nagsisilbing isa sa mga hosts at presenters ng coronation sa India.