Sarah Geronimo nilaro ng netizens, inspired raw ang hair kay Kris

Sarah Geronimo nilaro ng netizens, inspired raw ang hair kay Kris

Sarah Geronimo at Kris Bernal

HINDI napigilan ng netizens ang mag-react sa bagong hairstyle ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Matatandaang nagulat ang ilang netizens sa naging look ng singer-actress nang dumalo ito sa Billboard’s Women in Music Awards 2024.

Isa si Sarah sa mga pinarangalan ng Billboard Global Force Award at ang kauna-unahang homegrown at full-blooded Filipina na pinarangalan sa prestihiyosong event.

At kasabay nga ng pagbibigay pugay sa Popstar royalty ay hindi maiiwasan ang “Pinoy humor” ng mga netizens sa naging look ni Sarah.

Kaya naman maging si Kris Bernal ay nadamay sa “pangdo-dogshow” ng mga netizens sa singer-actress.

Baka Bet Mo: Sarah Geronimo 1st Pinay na bibigyan ng parangal sa ‘Global Force Award’

Muli kasing nag-viral ang haircut ni Kris noong contestant pa siya sa “Starstruck” dahil itinuturo ng madlang netizens na ito ang “inspiration” ni Sarah sa kanyang new look.

Narito ang ilang mga kumento ng netizens:

“dahil sa hairstyle ni sarah g sa billboard women in music, vindicated na yung emo hairstyle ni kris bernal from starstruck,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Kris Bernal walk so she could run.”

“From Beyonce to Sarah G!
Kris Bernal trendsetter,” sey naman ng isa.

Hirit pa ng isa, “We really made fun of kris bernal ‘s hair only for beyonce and Sarah to follow her.”

Ibinahagi rin ni Kris ang photo collage nila ng Popstar royalty sa Instagram story.

“Nauuso na po ulit,” sabi ni Kris.

Read more...