GMA naglabas ng statement sa pamamaalam ng Tahanang Pinakamasaya

GMA naglabas ng statement sa pamamaalam ng Tahanang Pinakamasaya

NAGLABAS na rin ng opisyal na pahayag ang GMA Network hinggil sa pamamaalam sa ere ng noontime show ng TAPE Inc. na “Tahanang Pinakamasaya“.

Matatandaang umeere ang noontime show ng TAPE Inc. sa Kapuso network sa pamamagitan ng “bloctime agreement.”

Sa kanilang Facebook page ay ibinahagi ng GMA Network ang kanilang official statement.

“Due to unavoidable circumstances, TAPE has made the difficult decision to cease the airing of ‘Tahanang Pinakamasaya.’

“GMA Network would like to thank TAPE for its invaluable contribution to noontime programming for the past decades, which Filipinos will surely remember for many years to come,” pagbabahagi ng Kapuso network.

Baka Bet Mo: ‘Tahanang Pinakamasaya’ tsinugi na sa GMA, ‘TictoClock’ ang ipapalit?

Dagdag pa nila, “The Network will always be grateful to TAPE for its partnership over the past decades.

“Maraming salamat, Kapuso.”

Matatandaang nitong March 2 nang tuluyang mamaalam ang mga hosts ng “Tahanang Pinakamasaya” sa kanilang mga viewers.

Samantala, kinumpirma rin ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programa ang naging pamamaalam sa era ng “Tahanang Pinakamasaya”.

Wala pa namang inilalabas na show na ipapalit sa naturang noontime show ngunit sa ngayon ay nagkaroon ng adjustment ang ilang mga Kapuso shows sa hapon.

Simula ngayong araw, mapapanood na sa GMA ang “Lunchtime Movie Hits” na susundan ng “Abot Kamay Na Pangarap”, “Lilet Matias, Attorney-at-Law”, “Makiling”, at “Fast Talk With Boy Abunda”.

Read more...