HINDI napigilan ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang magpaka-fan girl matapos nitong makita ang Pambansang Krungkrung at K-pop star na si Sandara Park.
Naganap ang pagkikita ng dalawang bigating personalidad nang magkrus ang landas nila sa Paris Fashion Week.
Sa katunayan, na-feature pa nga si Sandara sa mini vlog ni Pia na uploaded sa kanyang Instagram page.
“We saw Sandara, that is so cool! I know you’ve been looking for her,” sey ng Miss Universe 2015.
Kabilang rin ang naging picture nila ni Sandara sa vlog ni Pia.
Bukod pa rito, ibinandera rin ng beauty queen ang kanilang larawan sa kanyang X account.
Baka Bet Mo: Pia Wurtzbach: ‘Please do not pull other people down, lest to defend me’
“Who doesn’t fan girl over Dara?!? We all love @krungy21,” saad ni Pia.
Narito ang ilang mga comments ng netizens sa magkasamang picture ng dalawa.
“When a Queen meets another Queen. And it’s so cute how Pia still fangirls over Dara,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “Aww [emoji] ati @krungy21 next time magkita kayo sa fashion week mag tiktok na kayo ni queen P @PiaWurtzbach.”
“Yay! My queens in one frame,” masayang sey naman ng isa.