LABIS ang tuwa ng mga fans ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa Dubai matapos itong bumisita sa bansa para sa opening ng bago niyang Asian fusion restaurant.
Sa Instagram page ng kanyang pag-aaring restaurant ay makikita ang mga larawan na kuha mula sa opening kung saan dimumog siya ng mga kababayang Pilipino tanda ng pagsuporta sa bago niyang business.
Makikita si Daniel na nakikipag-shake hands, nakikipag-picture taking, at pumipirma sa cellphone cases ng kanyang mga fans.
“Dubai vibes just got spicier! Teamed up with @supremo_dp to bring you the best of Spice Grill. Maraming salamat sa inyong lahat sa patuloy na pagsuporta,” saad sa caption ng post.
Baka Bet Mo: Daniel Padilla magta-travel muna, balak bumalik ng Vietnam
Pagbabahagi pa no Daniel, matagal na raw talafa niyang nais magkaroon ng negosyo sa Dubai.
“This place has changed a lot and it’s really impressive. I’ve always loved coming to Dubai, and I have envisioned myself starting a business here,” lahad ng aktor sa Dubai-based newspaper na The National.
Pagpapatuloy pa ni Daniel, “The entire city is built around endless possibilities and the idea that anything you can imagine can be done.”
Ang mga co-owners ng Kapamilya actor sa kanyang new restaurant ay sina Lourds Adalia-Evertse and Cristine Caringal-Melad.
Matatandaang bago matapos ang 2023 ag naging matunog ang pangalan ni Daniel nang kumpirmahin ni Kathryn Bernardo ang kanilang paghihiwalay matapos ang mahigit isang dekada nilang relasyon.