JANELLE MANAHAN inaway-away, tinortyur ng pamilya ni RAMGEN
Gustuhin mang dumalaw ni Janelle Manahan sa puntod ng namayapa niyang boyfriend na si Ramgen Revilla ay hindi ‘yun magawa ng dalaga.
Minsan na niyang ginawa ‘yun nu’ng nakaraang taon, pero inaway siya ng ina at mga kapatid nito, kaya hindi na siya nagpunta kahapon sa puntod ng yumaong aktor.
Hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa kanyang alaala ang kahindik-hindik na naganap dalawang taon na nu’ng Oktubre 28 ang nakararaan, sariwa pa rin sa kanyang isip ang pagkabaril sa kanyang boyfriend, kilalang-kilala niya kung sino ang gumawa nu’n kay Ramgen.
“Kahit ilang ulit po nila akong tanungin tungkol sa nangyari, ‘yun at ‘yun pa rin po ang sasabihin ko. Wala po akong babaguhin, consistent pa rin ang mga isasagot ko.
Kilala ko po kung sino ang bumaril kay Ram,” madiing pahayag ni Janelle Manahan.Meron na siyang bagong karelasyon, isang lalaking walang kahit gapatak lang na dugong-showbiz, pareho silang nagtatrabaho at walang alam ang lalaki sa matindi niyang pinagdaanan.
Gusto sana niyang magpunta sa puntod ni Ramgen para magpaalam, pero hindi na lang niya ‘yun ginawa, ayaw na niyang mangyari pa uli ang ginawang pang-aaway at pangto-torture sa kanya nu’n ng mga kapatid at ina ng namatay niyang karelasyon.
“Wala raw po akong karapatang magpunta du’n nang hindi ako dumadaan muna sa kanila. Wala raw po akong respeto, galit na galit sila sa akin nu’ng dumalaw ako sa tomb ni Ram.
“Feeling ko naman po, damn if you do, damn if you don’t, kasi, kung magpapaalam naman po ako sa kanila, siguradong hindi rin sila papayag. Napakahirap naman po ng ganu’ng sitwasyon,” katwiran ni Janelle.
Hustisya para kay Ramgen Revilla ang kanyang hinahanap, ‘yun ang gusto niyang mangyari, ayaw niyang surutin siya ng kanyang kunsensiya isang araw na alam niya naman kung sino ang pumaslang sa kanyang boyfriend pero nanahimik lang siya.
Ang mga rebelasyon ni Janelle Manahan ay buong-buong mapapanood mamayang gabi sa Showbiz Police, alas sais hanggang alas siyete, sa TV5.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.