Ricky Lee nagsisi na hindi pinatulan ang ‘imbitasyon ni’ Jaclyn Jose

Ricky Lee nagsisi na hindi pinatulan ang 'imbitasyon ni' Jaclyn Jose

Jaclyn Jose at Ricky Lee

NAGSISISI ngayon ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee dahil sa biglaang pagkamatay ni Jaclyn Jose.

Matagal na pala siyang niyayaya ng veteran star at Cannes Film Festival best actress na magkita para makapagkuwentuhan sila nang bonggang-bongga.

Since last year pa raw nagme-message si Jaclyn o Mary Jane Guck sa totoong buhay, pero hindi niya napagbibigyan kaya palaging mapupurnada ang kanilang pagkikita.

Sa isang panayam, sinabi ni Ricky Lee na talagang na-shock siya nang malamang patay na ang award-winning actress matapos atakihin sa puso.

Baka Bet Mo: Actor-director Ricky Rivero pumanaw na sa edad 51: ‘Asawa pahinga ka na, wala ka nang sakit na mararamdaman’

“Nagimbal ako. Nalungkot and then naisip ko na sana pala pinatulan ko na ‘yung madalas sinasabi niya last year na magkita kami.


“Sabi niya kapag magkikita-kita tayo together, magkuwentuhan tayo. Parang ang dami-dami niyang gustong i-share at ikuwento. So, naisip ko na sana pala nagkita-kita na,” ang nanghihinayang na pahayag ng premyadong scriptwriter.

Matagal nang magkatrabaho at magkaibigan sina Jaclyn at Ricky, isa nga sa mga unang pinagsamahan nila ay first lead role ng aktres sa pelikula, ang “Private Show” ni Chito Roño noong 1984.

“Mahigit kumulang na 10 films ang nagawa ko with her. She makes the character shine. Ang husay-husay niyang na pino-portray.

“And para sa scriptwriter na gaya ko, malaking utang na loob ‘yun. Napakalaking bagay ‘yon. Isa yun sa agad agad kong naisip nu’ng nawala siya. Na parang napakalaking kawalan niya sa industriya even sa akin bilang writer at bilang kaibigan niya,” sabi pa niya.

Inalala pa niya ang sinabi ng iconic director na si Lino Brocka about Jaclyn, “Naalala ko sa set ng ‘White Slavery’ nag-rave na si Lino. Sabi niya, hindi siya ‘bold star’ lang. Hindi siya pipitsuging artista lang.

“Ang tingin ni Lino sa kaniya, hindi siya starlet. Na usually ang tingin sa bago ay starlet. Star ‘yan, sabi ni Lino.

Baka Bet Mo: Ricky Lee sa nakukuhang atensiyon bilang National Artist: Tuwing lumalabas ako nahihiya na ‘ko… malaking ‘hassle’

“I think isa ‘yan sa malaking bagay na nagawa ni Jaclyn. Pinatunayan niya na ang ikinagaganda ng isang pelikula o ikinapapangit eh wala sa pagiging bold o hindi bold.

“You can go beyond the bold image of the film and sa character na pino-portray. It’s the boldness of acting na binibigay niya,” pahayag pa ni Ricky Lee.


Pagbabalik-tanaw pa ni Ricky, “Ayaw ni Jaclyn sa naalala ko na nagre-rehearse ng maraming takes. Kasi I think ang feeling niya nawawala ang spontaneity kapag minemorya niya ng minemorya. Nagiging conscious na siya. So kapag nakikita ko siya sa set,  parang natural lang.

“Hindi niya binaba ang kanyang standards. Maski pelikula ang pasukan niya, maski na TV show, kapag si Jaclyn, may ganitong klase ng professionalism, ganitong klase ng excellence performances ang makukuha mo. Hindi niya binibitawan ‘yon,” sabi pa niya.

Agree rin si Ricky Lee sa pagbansag kay Jaclyn bilang “Queen of Underacting”, “Noon una rin na nakita, naisip ko rin na umaarte ba siya? Hindi ba siya umaarte? Pero may energy naman e nakikita ko may energy at may honesty.

“So mabilis ko na get over ‘yong thinking na ‘yon na parang hindi siya umaarte. Sinasabi niya na ayaw niya na umaarte. Ayaw niyang inaarte ‘yong character. Gusto niya siya na yung nagiging character.

“I think ang isang malaking bagay na nagawa ni Jaclyn ay pinatanggap niya sa mga tao, na lalo na sa atin na Filipino, na hindi sanay sa ganon na klase ng acting. Na hindi pala kinakailangan ang daming galaw ng kamay at daming galaw ng mukha at daming taas ng boses na akyat at baba.

“I think in a way in-introduce niya at pinatanggap sa mga tao ‘yong ganong klase ng acting bilang isang maganda at mahusay at makatotohanang  pag-arte,” aniya pa.

Read more...