Aktres, sikat na personalidad laging nakikitang magkasama, magdyowa na?

Aktres, sikat na personalidad laging nakikitang magkasama, nagdyowa na?

Guess, guess who!?

TINANONG kami ng kasamahan sa panulat kung may relasyon ang kilalang aktres na nagbida na sa isang serye at ang sikat na personalidad na ang imahe ay “mapagmahal” sa babae.

Sinagot namin siya ng, “Narinig ko na ‘yan, hindi ko lang matandaan kung sino’ng nagsabi. Bakit mo natanong?”

“E, kasi si ____ (aktres) napagkikitang laging kasama si ____ (kilalang personalidad) at walang chaperone kung baga soloista,” kaswal na sabi ng kasamahan sa panulat.

Hanggang sa napagkuwentuhan na ang past ng aktres kung saan hindi nagtagal ang relasyon nito sa dating dyowa.

Baka Bet Mo: Miyembro ng ‘Lunch Out Loud’ nagsinungaling sa mga kasamahan sa show, pinaasa lang sa wala

Baka naman dito sa kilalang personalidad ay magtagal na ang relasyon ng aktres kung sakaling sila nga at wala naming sagabal dahil sa pagkakaalam naming ay single ang una.

Humirit naman ang isa pang kasama namin sa kuwentuhan, “Wala na ba sila ni ____ (singer)?”

Ang tinutukoy niya ay ang kilalang singer at ang kilalang personalidad na sa pagkakaalam namin ay hindi naman umabot sa relasyon dahil magkaibigan lang ang turingan nila.

Anyway, abangan na lang natin kung aaminin ni aktres kung ano ang tunay na estado nila ngayn ng kilalang personalidad.

Read more...