Kyline wala munang paki sa lalaki; 33 programa ng GMA aariba sa Viu

 

Kyline wala munang paki sa lalaki; 33 programa ng GMA aariba sa Viu

Kyline Alcantara, Ruru Madrid at Sanya Lopez

DEDMA muna kay Kyline Alcantara ang mga lalaki dahil mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang sarili at showbiz career.

Etsapwera raw sa priorities niya ngayong 2024 ang lovelife para makapag-focus siya sa mga opportunities na ibinibigay sa kanya ng GMA 7.

Sa panayam kay Kyline ng GMA sa ginanap na pictorial para sa special month-long “All-Out Sundays Summerversary”, sinabi niyang mas motivated at mas focused siya ngayong taon sa kanyang pamilya at pagtatrabaho.

Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria super happy sa collab ng GMA, ABS-CBN, at Viu: It’s the end of rivalry

“Mas inspired po talaga akong magtrabaho ngayon dahil sa maraming bagay. Pagkatapos po ng sayaw ko sa ‘Mismo,’ I am back,” sey ni Kyline na ang tinutukoy ay performance niya sa isang episode ng “All-Out Sundays” kasama sina Thea Astley at Zephanie.

Kasunod nito, nabanggit nga ng ex-girlfriend ni Mavy Legaspi na wala siyang panahon sa lovelife at sa pakikipagrelasyon uli.


“Wala muna po. I will give this time truly, genuinely to myself. Kasi ‘yun nawala sa akin for a long time.

“‘Yun lang ang aking masasabi, showbiz answer man po but I’m really focused on my career right now. Again, I’m back,” mariin niyang sabi.

Aniya pa, mas okay daw ang pagiging single niya ngayon dahil mas naibibigay niya ang lahat ng kanyang atensiyon at panahon sa mga bagong projects niya sa GMA at sa kanyang mga endorsements.

“Yes, and ang dami kong blessings. Iba talaga si Lord, He really moves in mysterious ways,” ang pagpapasalamat pa ng dalaga sa Panginoong Diyos.

* * *

Good news sa lahat ng loyal Kapuso viewers. Kabilang na sa mga GMA programs na libreng mapapanood sa Viu ang “Lolong,” “First Yaya” at “Widows Web.”

Baka Bet Mo: Lovi biglang umiyak sa presscon ng ‘Flower of Evil’; hindi malilimutan ang pakikipag-usap sa audioman at cameraman

Simula February 26, 33 programa mula sa GMA ang ipapalabas sa Viu advertising video on demand (AVOD) platform.

Ibig sabihin, hindi na kailangang magbayad ng subscription para mapanood ang mga ito.

Sa halip, may ilan lang na mga advertisements ang mapapanood sa pagitan ng mga eksena dito, tulad ng sa telebisyon.

“We understand how passionate viewers are when it comes to their favorite programs,” lahad ni GMA Network Senior Vice President for Programming, Talent Management, Worldwide, and Support Group, and President and CEO of GMA Films Atty. Annette Gozon-Valdes.

“Even when a series has already aired its finale, they still want to watch it over and over again. At GMA Network, we are constantly exploring additional platforms.

“Our partnership with Viu Philippines gives audiences an opportunity to re-watch or, better yet, watch our programs for the first time,” aniya pa.


“We are delighted to share that some of the top-rated GMA shows will be available on the Viu platform.

“This addition enables us to continue to provide our growing audience with a wider selection of local content and allows us to remain consistent in offering the best of premium Asian content to our users.

“We’re excited for people to ‘Enjoy the Viu’ of their favorite Kapuso programs for FREE on our platform,” pahayag naman ni Vinchi Sy-Quia, Country Manager ng Viu Philippines.

Unang ipalalabas dito ang most watched television show ng 2022 na “Lolong” na pinagbidahan ni primetime action hero Ruru Madrid.

Kasabay nito, mapapanood din ang hit romantic comedy series na “First Yaya” nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion, pati na ang ensemble murder mystery series na “Widows’ Web.”

Susundan pa ito ng iba pang much-loved Kapuso programs tulad ng longest-running comedy show sa Pilipinas na “Bubble Gang”, touching drama series na “My Special Tatay” na pinagbidahan ni Ken Chan, at marami pang iba.

Read more...