TRULILI kaya ang tsika sa amin na sa ilang taong umere ang “Eat Bulaga” ng TAPE, Inc. sa GMA 7 ay wala pala silang Human Resources department o HR na siyang namamahala sa mga empleyado para sa kanilang mga pangangailangan?
Nasambit lang ito sa amin ng aming source na wala raw benefits ang mga empleyado ng TAPE dati kaya kapag may nagkakasakit ay aabutan lang daw ng panggastos.
Kaya hirap daw makapag-loan ang ibang empleyado ay dahil wala silang dokumentong maipakita na sila ay regular employee ng TAPE noon.
Wala namang binanggit ang aming source kung nabago na ito ngayong pumasok na ang mga Jalosjos.
Samantala, usap-usapan naman ang post sa Facebook account ng Chakapuso 2 na may hindi pagkakaunawaan ang mga bossing ng GMA 7 dahil may hindi pabor na angTiktoclock ang ipalit sa slot ng “Tahanang Pinakamasaya.”
Base sa post, “BREAKING: GMA Network’s executives nag-away-away?
“Nagkaroon ng pagtatalo ang mga executives ng GMA Network sa ginawang internal meeting ngayong araw. Ang kanilang agenda, ano ang ipapalit sa Tahanang Pinasara (Pinakamasaya).
Baka Bet Mo: ‘Tahanang Pinasara’: Programa nina Paolo at Isko inokray-okray ng bashers
“Isang male executive ng GMA Network ang namimilit na ipasalo sa Tiktoclock ang mababakanteng noontime slot subalit inayawan naman ito ng iba pang executives.
“Ang gusto niya kasi, ilipat si Isko Moreno mula Tahanang Pinakamasaya papuntang Tiktoclock para makasama si Kim Atienza.
“Agad namang hindi sumang-ayon ang isa pang lady executive at iba pang executives at may isang nagsabing gumawa sila ng panibagong noontime show, pero may ilan ding hindi pumabor sa walang kwentang idea na ito.
“Sa ngayon, rebranding ng Tahanang Pinakamasaya kasama ang pamunuan ng TAPE Inc. ang kanilang pinag-iisipan; New title, new hosts, new set up, new studio at new segments.
“Ayon pa kay Lady executive, dapat daw ay may pundasyon na sa telebisyon at may hatak sa masa ang papalit sa nasabing pumanaw na noontime show.”
Anyway, abangan kung ano ang final decision ng Kapuso network tungkol sa isyung ito at bukas din ang BANDERA para sa kanilang panig at sa mga Jalosjos.