Sheena Halili ibinandera ang baby bump: Hello, baby No. 2!

Sheena Halili ibinandera ang baby bump: Hello, baby No. 2!

PHOTO: Instagram/@mysheenahalili

MAGKAKA-BABY na ulit ang celebrity mom na si Sheena Halili!

Ang exciting news, ibinandera niya mismo sa kanyang latest social media post.

Sa Instagram, makikita ang ilang half-naked photos kung saan tinatakpan niya lamang ang dibdib ng hawak niyang flowers at kitang-kita ang kanyang baby bump.

Masayang caption niya, “My body, a miraculous vessel of life, blooms again. Hello, baby number two! [bouquet emoji]”

Baka Bet Mo: Sheena praning na mommy, nagsuot ng rain cover sa elevator kasama ang anak: Nakakahiya pero…

Sa comment section, maraming netizens ang nagpaabot ng “congratulatory” messages sa aktres. 

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

 “Omg mama!!! I’m so happy for you [red heart, happy face with heart eyes emojis]”

“Another cute and smart baby on the way!!!!!”

“Parang di naman buntis? Mas mukha pa kong buntis [laughing face emoji].” 

“Congratulations on baby number 2 [party poppers emojis] Magiging Ate na si Martina [happy face with hearts emoji].” 

Bukod sa fans, nagkomento rin sina Carla Abellana, Dianne Medina, Dionne Monsanto, Alora Sasam, Jackie Lou Blanco, Chynna Ortaleza, at marami pang iba.

“Yehey! Ayan na! [happy face with hearts emoji],” sey ni Carla.

Komento ni Dionne, “Omg congratulations, Sheena! [heart emoji]” 

Wika ni Chynna, “Beautiful as always! [emoji]”

Kung matatandaa, taong 2020 nang ikinasal si Sheena sa non-showbiz husband na si Jeron Manzanero.

Makalipas ang ilang buwan ay biniyayaan sila ng panganay na anak na si Martian.

Read more...