Mag-asawang Gelli at Ariel ayaw nang mag-migrate sa Canada

Gelli, Ariel ayaw nang mag-migrate sa Canada: Nandito ang trabaho namin

Ervin Santiago |March 04,2024
facebook
share this

Gelli, Ariel ayaw nang mag-migrate sa Canada: Nandito ang trabaho namin

Ervin Santiago - March 04, 2024 - 09:00 AM

Gelli, Ariel ayaw nang mag-migrate sa Canada: Nandito ang trabaho namin

Gelli de Belen at Ariel Rivera

NAGBAGO na ang isip ng celebrity couple na sina Gelli de Belen at Ariel Rivera tungkol sa plano nilang iwan ang Pilipinas para manirahan sa Canada.

Hindi na raw nila itutuloy ang balak nila noon na mag-migrate sa Canada para samahan ang kanilang dalawang anak na doon na nag-aaral.

“We had that plan for a short time. And then we realized na our work is here, e. How can we support our children over there when our work is here?

“So, sabi namin, ‘Okay! Pagkatapos na kayo ng high school, saka na kayo du’n mag-aral, para kapag malaki na kayo, puwede na kayo medyo…’

Baka Bet Mo: Janice nagpakatotoo lang: I’m thankful si Ariel ang naging asawa ni Gelli

“Although kasama pa rin naman nila yung pamilya ni Ariel du’n, at saka yung lola nila sa bahay. ‘Pero at least kaya n’yo na maging independent.’ So, yun yung ginawa namin.

“Kaya kami, we will always be here to work,” ang pahayag ni Gelli sa presscon ng bago niyang show sa GMA 7, ang public service talk show na “Si Manoy Ang Ninong Ko.”

Magtatatlong dekada na (27 years) ang  pagsasama nina Gelli at Ariel at naibahagi nga niya kung ano ang sikreto sa matatag nilang relasyon bilang mag-asawa.

“Siguro kami na sa isa’t isa na hindi na kami umaasang may magbabago pa sa isa sa amin, dahil yun na yun talaga. Blessed lang kami or I feel blessed na nahanap ko yung para sa akin.

“Siguro, kasi parang…kung sino yung okay para sa akin, ibig sabihin, siya yung okay para sa yo? Yung nahanap ko lang yung taong swak na swak para sa akin.

“Siguro yung respeto talaga, yung totoong respeto, yung totoong pagmamahalan na talagang hindi na nababago,” ani Gelli.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gelli de Belen-Rivera (@gellidebelen)


At tungkol naman sa kanilang sex life, “happiness” pa rin daw ang pipiliin nila kesa chocolates kapag tinanong sila ni Boy Abunda sa “Fast Talk”.

“Of course! Have to be! Dapat! It’s part of it. It’s part of all the joy and togetherness!” ang tawa nang tawang sey ni Gelli.

Baka Bet Mo: Ariel ibinuking ang sikreto sa 25 years na pagsasama nila ni Gelli bilang mag-asawa: I just listen to my wife, that’s it!

Tungkol naman sa dalawang anak nila ni Ariel, “Si Joaquin is 25, Julio is 23, nagma-masters yung isa (Julio), gusto pang mag-aral, ‘no?” ani Gelli.

“Nag-master ng Kinesiology, science of the movement of the body. Si Joaquin, nagpi-Physics naman ngayon. Nakakatakot nga e! Gusto nilang mahirapan!” pag-amin ni Gelli.

Dagdag pa ng aktres at TV host, “Lahat sila, may mga girlfriends na. Nakailang girlfriend na nga yung isa e.

“Alam n’yo nu’ng una, parang kailangan ko talagang kalamayin yung loob ko. Kailangan ko talagang i-psyche yung sarili ko na siyempre, lumalaki sila, di ba?

“They’re growing up, they’ve become men, of course they want to fall in love, right? We all want to fall in love. So, iniisip ko, isipin mo na kung sino man yung girlfriend nila, is an additional person who will love and take care of my son.

“So, iyon na lang lagi yung iniisip ko. Kaya kailangan, good ako sa kanila,” napangiting pahayag ni Gelli.

Samantala, makakasama ni Gelli sa “Si Manoy And Ninong Ko” ang representative ng Agri Party-list na si Congressman Wilbert Lee, Sherilyn Reyes-Tan at Patricia Tumulak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagsimula na ito kahapon, March 3, 7 a.m., sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending