Jaclyn Jose ginawa lahat bilang ina, never nanghingi ng pera sa 2 anak

Jaclyn Jose ginawa lahat bilang ina, never nanghingi ng pera sa 2 anak

Jaclyn Jose

IKINAGULAT ng lahat ng taga-showbiz ang biglaang pagkamatay ng award-winning actress na si Jaclyn Jose o Mary Jane Santa Ana Guck sa totoong buhay.

Hindi makapaniwala ang mga kapamilya, kaibigan at tagasuporta ng Cannes Film Festival Best Actress na sumakabilang-buhay na ito sa edad na 60.

Muling nagluluksa ngayon ang buong entertainment industry sa pagpanaw ng premyadong aktres, kabilang na ang mga kasamahan niya ngayon sa seryeng “Batang Quiapo” na pinangungunahan ni Coco Martin.


Bukod sa pagiging movie icon, kilala rin si Jaclyn bilang isang matapang, mapagmahal at palabang single mom kaya naman marami ang umiidolong nanay sa kanya.

Baka Bet Mo: Alice Dixson ngayon lang ipinakilala ang panganay na anak: Napaka-protective kasi ng father niya

Sa isa niyang Instagram account, nagbahagi ang aktres at “Batang Quiapo” star tungkol sa pagiging nanay. Aniya, ginawa niya ang lahat upang mapalaki nang maayos at mabigyan ng magandang buhay ang mga anak.

Kalakip ang throwback photo niya kasama ang mga anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Ilagan Guck ang kanyang mga saloobin as a single parent.

“…I am a single mom of 2, I worked so hard to make them feel that everything was okay,” simulang pagbabahagi ni Jaclyn.

“Napuputulan ng ilaw o ‘di makabayad rental, but that doesn’t mean na ipapasa ko problema ko sa mga anak ko… I haven’t gotten a single centavo sa mga anak ko,” dugtong pa niya.

Pagpapatuloy niya, “Kakayanin ko lahat para sa mga anak ko. I did all my best to raise them. Happy lang…no controlling para ‘pag time naman nila gawin nila naman para sa mga anak nila.”


Mariin din niyang sinabi na hindi siya masyadong pakialamerang nanay lalo na sa personal na buhay ng mga anak, “Di ako nakikisawsaw sa issue just giving my point let them at the end they will [be] more responsible…

Baka Bet Mo: Jaclyn Jose pumanaw na sa edad 59; mundo ng showbiz nagluluksa

“Us parents must understand our children let them leave madadapa yan pero babangon kung hahayaan natin sila,” dagdag ng premyadong aktres.

May paalala din siya sa mga kapwa niya magulang, “‘Wag i-obligate your children to pay your dreams, they have their own too.”

Sa isang hiwalay na panayam, sinabi rin ni Jaclyn na isa sa mga natutunan niya bilang lola at ang i-let go ang panganay niyang si Andi na may tatlo nang anak ngayon.

“I need to let go of Andi, because she’s at the age na, she knows what she’s doing. She can take care of herself na and her daughter; she’s doing well in taking care of her daughter,” sey pa ni Jackyn.

Read more...