NAGAGALIT at nao-offend ba ang OPM artist at aktres na si Rachel Alejandro kapag sinasabing magkamukha sila ni former Vice-President Leni Robredo?
Ilang beses na kasi silang napagkakamalang kambal at magkapatid ng mga netizens dahil sa mga litrato nila sa social media.
Ang huli ay nang mag-post siya uli ng kanyang beach photo sa Instagram at “na-dogshow” nga ng mga netizens na nagsabing na kamukhang-kamukha raw talaga niya ang dating Vice President ng bansa.
Actually, hindi na bago para sa singer-actress ang kuwentong ito dahil nauna nang nag-viral ang kanyang swimsuit photo sa socmed kung saan totoo namang super ka-lookalike nga niya si Atty. Leni.
Baka Bet Mo: Rachel Alejandro umaming binigyan ng ultimatum ng asawa para mabuntis: Ngayong 11 years na kami, nahimasmasan na siya
Pero ang ipinagtataka niya, nasasabihan lang siya ng mga netizens na kamukha niya ang dating presidential candidate kapag nagpo-post siya ng swimsuit photo.
Ayon kay Rachel, hindi siya napipikon o naiimbiyerna sa tuwing ikinukumpara siya kay VP Leni, sa katunayan itinuturing pa nga niya itong isang compliment.
Rachel Alejandro napipikon ba kapag sinasabing kamukha ni Leni Robredo?
“Reaction ko lang is, wala. Ha-hahaha! Netizens, nakakatawa kayo. I just love it that you know, we Filipinos find the funny in everything, anything and everything,” sey ni Rachel sa panayam ng ABS-CBN.
“How do I feel being compared to (former) VP Leni? I admire her, I respect her, I think she’s very pretty, so it’s definitely a compliment para sa akin, para sabihin na kahawig ko siya, I think ‘yung mata eh, ‘di ba? Ha-hahaha! Yung ano, big eyes,” aniya pa.
Game rin daw siya sakaling may mag-offer sa kanya na gumanap bilang Leni Robredo sa biopic nito.