Dennis sa tatay ng anak ni Angelica Jones: Dapat talaga i-acknowledge mo

Dennis sa tatay ng anak ni Angelica Jones: Dapat talaga i-acknowledge mo

Robin Padilla, Dennis Padilla, Angelo at Angelica Jones

“DAPAT i-acknowledge mo ‘yun dahil anak mo ‘yun, blessing yan,” ang payo ni Dennis Padilla sa tatay ng panganay ni Angelica Jones.

Hanggang ngayon kasi ay ayaw pa ring kilalanin ng dating karelasyon ni Angelica ang kanyang anak na si Angelo kaya plano nang magdemanda ng singer-actress.

Sa nakaraang presscon ng pelikulang “When Magic Hurts” kung saan magkasama sina Dennis at Angelica, napag-usapan nga ang tungkol sa patuloy na panawagan ng aktres na sana’y kilalanin na si Angelo ng kanyang ama.

Baka Bet Mo: Jericho Rosales ‘happy’ sa piling ni Kim Jones sa kabila ng chikang hiwalayan

Matagal na raw niyang pinakikiusapan ang dating partner na pirmahan ang birth certificate ng kanilang anak na kailangan daw para maka-graduate ang bagets.

At dahil nagmamatigas umano ang tatay ng anak, balak na niyang magsampa ng kaso para na rin sa kapakanan at kinabukasan ni Angelo.

Hiningan ng reaksyon si Dennis tungkol sa pinagdaraanan ni Angelica dahil tulad ng aktres ay may pinagdaraanan din ang veteran comedian sa relasyon niya sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.


Sey ni Dennis, “Dapat i-acknowledge mo ‘yon dahil anak mo ‘yon. Isang bagay na ikakarangal mo ‘yon. ‘Yung kapag binigyan ka ng anak, ano nga ‘yon, blessing. Human being ang ibibigay sa ‘yo.

“Saka, lahat naman ng mga anak, ang pinanggalingan niyan dahil sa pag-ibig, dahil sa pagmamahal.

Baka Bet Mo: Jericho, Kim naghiwalay noon pang 2019, kinumpirma ng ninong nila sa kasal

“Kaya dapat talaga ina-acknowledge ‘yung anak mo. Pinakita niya sa akin ang video ng anak niya, grabe ipinakita sa akin ang video ng anak niya na umiiyak, grabe!” aniya pa.

Dagdag mensahe pa ng komedyante sa tatay ng anak ni Angelica, “Brod, panagutan mo ‘to. Kasi, dapat ikinakarangal mo anak mo. Kasi ako, lahat naman ako, ikinakarangal ko silang lahat. Ipinagmamalaki ko silang lahat.

“Kahit na ano ang experience na dinadaanan ko, palagi ko pa rin silang ipinagmamalaki. Saka, kapag may nagsasabi sa kanila na hindi maganda, ako pa rin ang unang makaka-away kapag narinig ko ‘yon,” sabi ng aktor.

Samantala, sa kuwento ng “When Magic Hurts”, gaganap si Dennis na beking tatay ni Mutya Orquia. Kaya naman may nagtanong sa komedyante kung naalala ba niya ang anak na si Julia Barretto habang nagsu-shooting sila.

“Siyempre, noong natuto na siya (na magmahal), noong nalilito siya. ‘Ano ba itong pag-ibig ko na ito? Pag-ibig ba ito para sa kaibigan or pag-ibig ba ito na ako ba ay nagkakagusto na?’ Parang ganu’n.

“Nakalimutan ko na ‘yung dialogue ko doon. Pero alam ko, sa binitawan kong dialogue, medyo naluha ako,” aniya.

“’Kailangan mong ma-experience ang pain para mas ma-enjoy mo ang joy.’ Kasi, kapag hindi ka dumaan sa pain, hindi mo malalaman kung ano ang ibig sabihin ng kasiyahan,” sabi ni Dennis.

Bida rin sa “When Magic Hurts” ang singer-actor na si Beaver Magtalas.

Read more...