Jericho Rosales: You can still be friends with your ex

Jericho Rosales: You can still be friends with your ex

Jericho Rosales at Kim Jones

PARA sa Kapamilya actor na si Jericho Rosales, maaari pa ring maging magkaibigan ang mga taong dating nagmamahalan.

Sa kanyang panayam sa Cosmopolitan Philippines ay naging bukas ang aktor sa estado ng kanyang relasyon sa ex-wife. na si Kim Jones.

Kuwento ni Jericho, nang i-reveal daw ng kanilang ninong sa kasal na si Ricci Ocampo na hiwalay na sila ay tinawanan na lang nila ito.

“We thought that it was the perfect time because the goal was really to show people that we’re good. We’re really good.

“We’ve crossed over, you know, we’ve transformed the relationship into something really special as friends,” saad ni Jericho.

Chika pa niya, nananatili ang pagsuporta nila ni Kim sa bawat isa kahit hiwalay na sila.

Baka Bet Mo: Jericho Rosales kay Kathryn Bernardo: You’ve been doing great

“Actually, I’m working with her on her new project because she’s producing a film for someone. So, I’m also supporting that,” pagbabahagi pa ni Jericho.

Bagamat hindi naging successful ang kanilang marriage, tinitignan na pang raw ng aktor ang “brighter side” ng pangyayari.

“I think the best part was that it was considered a ‘success’ when we felt that people understood and people saw that things like this can happen. And it shouldn’t always be sad. It shouldn’t always be a bad thing. You know what I mean?” sey pa ni Jericho.

Bukod pa rito, naniniwala rin siya na posible pa rin naman maging magkaibigan ang mag-ex at nais niyang maka-inspire rin ng iba sa pamamagitan ng nangyari sa kanila.

Wika ni Jericho, “It’s one of the best things that ever happened to us. And we wanted for people to be inspired and show them that, ‘Hey, look, it can be done.You can be friends with your ex.'”

Matatandaang noong 2014 nang ikasal sila ni Kim at taong 2019 nang maghiwalay sila.

Read more...