Kilabutan sa bagong supernatural horror film na ‘The Watchers’

Kilabutan sa bagong supernatural horror film na ‘The Watchers’

PHOTO: Courtesy Warner Bros. Pictures

HINDI mo sila nakikita, pero nakikita nila lahat.

‘Yan ang peg ng bagong horror movie na tiyak na mananakot sa moviegoers sa darating na Hunyo.

Pinamagatan itong “The Watchers” na ginawa ng baguhang direktor na si Ishana Night Shymalan.

Ang kwento ng pelikula ay base sa nobela na may kaparehong titulo na isinulat ni A.M. Shine.

Heto ang synopsis ng palabas mula sa Warner Bros. Pictures:

“The film follows Mina, a 28-year-old artist, who gets stranded in an expansive, untouched forest in western Ireland. When Mina finds shelter, she unknowingly becomes trapped alongside three strangers who are watched and stalked by mysterious creatures each night.”

Baka Bet Mo: Dakota Johnson bagong superhero ng Spider-Man Universe bilang ‘Madame Web’

Ang gaganap bilang si Mina ay ang American actress na si Dakota Fanning.

Ilan pa sa mga makakasama niya sa pelikula ay ang Hollywood stars na sina Georgina Campbell, Oliver Finnegan at Olwen Fouere.

Ang “The Watchers” ay nakatakdang ipalabas sa lahat ng lokal na sinehan sa darating na June 5.

Read more...