Korean movie na ‘12.12: The Day’ matindi ang pasabog, nakakaloka ang ending

Korean movie na '12.12: The Day' matindi ang pasabog, nakakaloka ang ending

NANDITO na ang rebolusyon! Yes dear BANDERA readers, ang highest-grossing film ng Korea noong 2023 na “12.12: The Day” ay mapapanood na sa mga sinehan sa Pilipinas.

Batay sa totoong pangyayari, handog ng acclaimed director na si Kim Sung-soo ang isang kwento ng kapangyarihan, katapatan, at kataksilan sa isang bansang nahaharap sa krisis.

Magsisimula ang kuwento ng pelikula October 26, 1979 nang paslangin si President Park. Isang martial law ang ipapatupad, dahilan para magkagulo sa South Korea.

Ngunit, hindi lamang isang gulo sa pulitika ang susunod na mangyayari – ito ay magiging isang laban para sa diwa at damdamin ng isang bansa.

Dahil sa nangyaring assassination kay President Park, itatalaga si Defense Security Commander Chun Doo-gwang (Hwang Jung-min) bilang Joint Investigation Commander sa ilalim ng batas militar.

Baka Bet Mo: Rewind’ nina Marian at Dingdong ‘highest-grossing PH film of all time’ na

Kasama ang kanyang pribadong grupo ng mga opisyal, isasagawa niya ang isang kudeta para makamit ang kapangyarihan.

Tutol dito ang Capital Defense Commander na si Lee Tae-shin (Jung Woo-sung). Isa siyang tagasunod sa tungkulin ng militar na protektahan ang mga tao sa halip na pagharian ang gobyerno.

Siya ang magiging hadlang sa binabalak na malupit na gobyerno ni Chun.

Titindi ang alitan ng dalawa, habang ang mga lider ng militar ay nahihirapan sa paggawa ng desisyon at wala na ang Defense Minister.

Walang kasiguruhan ang kapalaran ng Seoul dahil ang inaasam nilang spring ay mababalot sa panganib. Ang lahat ay hahantong sa araw ng Disyembre 12 kung saan magaganap ang isang matinding labanan na tatagal ng siyam na oras, isang pangyayari na babago sa kasaysayan ng Korea habambuhay.

Maraming TV series na ang nagpalabas ng ilang mahalagang pangyayari ng araw na iyon, pero ang “12.12: The Day” ang unang pelikula na maglalahad ng isang hindi pa nakikitang anggulo: ang recreation ni Director Kim sa nangyari sa mga rebelde sa loob ng siyam na oras na labanan.

Natanggap ni Direktor Kim ang screenplay para sa historical action drama noong fall ng 2019 na nagpaalala sa kanya ng mapait na gabing iyon, 44 taon na ang nakakaraan.

Siya ay 19 taong gulang lamang noon at nakatira sa Hannam-dong area sa Seoul nang makarinig siya ng mga putok ng baril. Nalaman niya kinalaunan na nangyayari iyon habang kinukuha ang Chief of Staff.

Sa kabila ng kanyang personal experience noong araw na iyon, hindi agad tinanggap ni Director Kim ang proyekto.

“I was worried most about whether I would be able to properly depict that day which changed the fate of contemporary Korean history,” sabi ng direktor sa isang statement.

“But the following summer I mustered the  courage to grab hold of the screenplay and focus on one thing as I immersed myself in adapting it. I thought then of a true soldier who to the very end stood up against this ‘king of greed’ who led the insurrection,” aniya pa.

Tinanong niya ang sarili noon, “Was the seat of power really taken so easily, and in just one night?” Ang “12.12: The Day” ang nagsisilbing sagot ng direktor sa kanyang tanong kung bakit nangyari ang gabing iyon.

Isang star-studded na grupo ng mga aktor mula sa Korean cinema ang magsasama-sama upang bigyang-buhay ang mga karakter na bumago sa kasaysayan ng Korea.

Kasama ng lead stars na sina Hwang Jung-Min at Jung Woo-Sung ang mga kapwa nila tanyag na aktor.

“Even with a short appearance, the audience needed to tell them apart, so we needed actors who were recognizable, but with a bit of their own individuality in their faces,” dagdag ng direktor na nasa likod din ng mga matagumpay na pelikula na “City of the Rising Sun” at “Asura: The City of Madness.”

Sa casting decision na ito, gaganap si Chung Dong-hwan bilang Presidente; Lee Seung-min bilang Chief of Staff; Park Hae-joon bilang 9th Infantry Division Commander; Kim Sung-kyun bilang isang Army HQ Provost Marshal; at Jung Hae-in at Lee Jun-hyuk sa kanilang special appearances.

Ang pagtitipon ng mga talentong ito ay tunay na isang tagumpay sa Korean film industry. Sa nakakabilib na kwento at mga aktor na tampok sa pelikula, huwag palampasin na masaksihan ang isang kasaysayan sa big screen.

Showing na ngayon ang “12.12: The Day” sa mga sinehan sa buong bansa.

Read more...