Anne Jakrajutatip sa viral leaked video: ‘It is used to manipulate’

Anne Jakrajutatip sa viral leaked video: ‘It’s used to manipulate’

PHOTO: Facebook/Anne Jakrajutatip

NAGSALITA na ang Miss Universe Organization (MUO) co-owner na si Anne Jakrajutatip tungkol sa kumakalat na leaked video niya.

Magugunita na noong nakaraang linggo nang kumalat ang video ni Anne habang nakikipagpulong kasama ang ilang executives ng organisasyon sa Mexico.

Mapapakinggan na sinabi ng Thai business mogul na isang “communication strategy” lamang ang pagpapasali niya sa tinatawag niyang “inclusion girls” na kinabibilangan ng transwomen, mga babaeng may asawa, mga plus-sized na babae at maging ang mga may edad na, pero wala siyang balak na ipapanalo ang mga ito.

Sa isang Instagram post, iginiit ni Anne na “manipulated” at edited ang nasabing video upang sirain ang kanyang reputasyon sa pageant community.

“The malicious edited video was out of context and used to manipulate other people which led to the public confusion, misunderstanding, misinterpretation, and wrong conclusion,” caption niya.

Baka Bet Mo: Bagong may-ari ng Miss Universe binanatan ng bashers, ‘nakikipagkumpetensiya’ raw sa mga kandidata

Sey pa niya, “I hope the world would not go round by this nonsense soap opera alike.”

May binanggit din si Anne na lalake na ayon sa kanya ay balak siyang ilagay sa alanganin, pati na rin ang MUO.

“I still don’t comprehend why this man, who I was so nice to, would like to jeopardize me and the organization while we were talking about one of the new reality show episodes not the pageantry itself,” wika niya sa IG.

Patuloy ng Thai co-owner, “However, I do believe that his unlawful act wasn’t successful as we always have the strong clever fans who can distinguish what is real or not. We always have the kind supporters who genuinely love MUO brand and believe in our core value of promoting diversity.”

Kasunod niyan ay sinabi niya na hindi niya raw kayang gawin ang ibinibintang sa kanya dahil ang pagiging “inclusive” at gender equality ang ipinaglalaban niya sa buong buhay niya.

“Why do I have to live my life up against on what I believe? God gave me the purpose to live, to inspire and to spread the kindness,” lahad niya.

Dagdag pa niya, “I do have strength to forgive this man and show the desire to the universe that LOVE is what we need in this world.”

Kasabay nang kumalat na leaked video, inihayag ng first-ever plus-sized candidate na si MIss Universe-Nepal 2023 Jane Garrett na alam na niya sa umpisa na against ang pageant sa pagpapanalo ng “inclusion girls.”

Ang kontrobersiyang ito ay matapos ang pagbabanta ng dating pangulo ng MUO na si Paula Shugart na kakasuhan ang Thai businesswoman dahil sa akusasyon sa kanya sa social media na nangungulimbat ng pera para paboran ang ilang kandidata ng kompetisyon.

Read more...