Lovi iyak nang iyak sa pagpanaw ni Phoebe: OK pa siya nu’ng umalis ako

Lovi iyak nang iyak sa pagpanaw ni Phoebe: OK pa siya nu'ng umalis ako

Lovi Poe Phoebe

HINDI napigilan ng Kapamilya actress na si Lovi Poe ang maiyak nang mapag-usapan ang pagpanaw ng alagang aso na si Phoebe.

Nagkuwento ang award-winning actress about her pet dog nang muli siyang humarap sa ilang miyembro ng showbiz  press kahapon, February 27, sa Super Sam restaurant, sa Quezon City.

Si Phoebe ay isang Shih Tzu na mahigit 17 taon niyang nakasama na isa sa mga naging saksi sa mga ups and downs ng kanyang buhay at career.


Ang pagyao ni Phoebe ang isa sa dahilan kung bakit siya umuwi siya agad sa Pilipinas dahil nais niyang makasama ang alaga sa mga huling sandali ng buhay nito.

Baka Bet Mo: Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual

“Yes, 17 years ko na po kasama si Phoebe. Nandiyan siya sa bawat stage ng life ko.

“It’s such a difficult time kasi nga okay pa siya nu’ng umalis ako, and then I just didn’t expect na pag-uwi ko, ganu’n na yung kalagayan niya.

“The main reason why I flew back talaga was to spend some time with Phoebe,” ang pahayag ni Lovi.

Nagdesisyon ang aktres na “patulugin” na si Phoebe dahil hirap na hirap na ito sa kanyang cancer, “Nagkaroon siya ng tumor sa face niya.


“But before that, two years ago, she already had, like, tumor din inside sa body niya. And then, basically, sinabi sa akin ng vet na she’ll be given, like, six months to live.

“But then, I’m just so grateful na she gave us two years pa. So ayun, and she was still strong when I left, that’s why it felt so unexpected.

Baka Bet Mo: Heart Evangelista sinagot ang tanong kung bakit wala sa kasal ni Lovi Poe

“Although sinabi sa akin na may six months siya, pero binigyan pa niya ako ng two years. And then, I’m just so grateful for that. But even it’s like 17 years, it’s still short,” ang lumuluha nang sabi ni Lovi.

Patuloy pa niya, “I think dog moms would understand, di ba? People who have pets…that they’re not just animals, they’re actually family.

“It’s hard, di ba, kasi when we tried to balance life and work and everything, parang now, all I wanna do is make…I don’t wanna cry,” ang emosyonal pang sabi ng aktres na hindi na natapos ang sasabihin dahil sa pag-iyak.

Sabi ni Lovi, one week lang siyang sa  Pilipinas at ngayong araw ay babalik na siya sa Amerika para sa mga naiwan niyang trabaho roon.

Bago umalis, inayos lang ng aktres ang cremation ni Phoebe at ang requirements na kailangan para maisama niya sa US ang isa pa niyang pet dog, ang Maltese na si Señor.

Ayon pa kay Lovi sa pagpanaw ni Phoebe, “You really don’t know the value of things, the value of life and everything. So now, when you’re older, that’s when you realize that, you know… that’s when I get closer even more pa.

“Ayun! That’s why I always make time not just for your dogs but the people you love. I think that’s one thing that I learned from this,” aniya pa.

Read more...