Janella nawalan ng pasensya sa career: Laging hindi natutuloy ang project

Janella nawalan ng pasensya sa career: Laging hindi natutuloy ang project

Janella Salvador

NANINIWALA ang Kapamilya actress na si Janella Salvador na marami pa siyang pwedeng gawin at i-offer bilang artista at performer sa mga manonood.

Pagkatapos ng pagpirma niya ng bagong exclusive contract sa ABS-CBN, umaasa ang celebrity working mom na mabibigyan pa siya ng magaganda at bonggang projects sa mga susunod na buwan at taon.

Inamin ni Janella na may pagkakataong nararamdaman niyang kulang ang motivation at pressure sa sarili para mas galingan pa niya sa bawat proyektong ginagawa niya.

“I feel like I lack the urge to improve myself. For a very long time, feeling ko na-stuck ako sa potential,” ang pahayag ni Janella sa “On Cue” ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Kathryn gaganap na comfort woman sa ‘Elena 1944’; bibida rin sa ‘A Very Good Girl’ kasama si Dolly de Leon

“Kaya kong gawin ‘to, kaya kong gawin ‘to. But I never really thought of really like, mastering it, going for it, improving myself constantly.

“I think that’s a personal goal for me. I wanna brush up on the things that I can do.

“I wanna be able to write a song, ’cause I know I can do these things. I don’t wanna be stuck on potential. ‘Yun ang personal goals ko,” paglalahad pa ng aktres.

Pagri-reveal pa ni Janella, medyo naging impatient din siya sa kanyang career nitong nagdaang 2023, ito’y sa kabila ng ilang proyektong nagawa niya last year, kabilang na ang “Under Parallel Skies” with Thai star Win Metawin, at ang blockbuster Metro Manila Film Festival 2024 entry na “Mallari” kasama si Piolo Pascual.


Sey ng Kapamilya star, napakarami pa raw sana niyang projects noong nakaraang taon, kabilang na ang pagbabalik niya sa music scene at ang GL (Girl’s Love) series nila ng kanyang kaibigan at co-star sa “Darna” na si Jane de Leon.

“Laging hindi natutuloy ang mga projects. But I understood naman why, there’s a reason naman. But I was just getting so impatient, and I wanted to do something,” sabi ni Janella sa panayam ni MJ Felipe.

Baka Bet Mo: Ken, Rita napagkakamalang tunay na mag-asawa: Malalim na ang relasyon namin…

Pero ngayong 2024, game na game na uli si Janella sa mga bagong projects at challenges, including a concert this coming April at ang pelikula nila ni Jane na “How To Be A Good Wife.”

“It’s gonna be super exciting for me. Lahat ng hindi natuloy noong 2023, itutuloy ko ngayong 2024, and I won’t allow na hindi siya matuloy,” aniya.

Tungkol naman sa GL series na gagawin sana nila ni Jane, “Pati ako nagre-request. Wala pa rin. There were a little bumps along the way.

“But in the end, we both said yes na, pero hindi siya nag-move past that. I don’t know. Siguro hindi lang pa siya natutuloy, so na-sad ako.

“Pero na-happy ako noong in-offer itong ‘How to Be A Good Wife’ after. Pero of course, I’m aware that everyone’s waiting for the GL. Trust me, we’re both waiting,” sey pa ng aktres.

Read more...