MUKHANG mas gusto na lang munang manahimik ni Dominic Roque tungkol sa kinasasangkutan niyang mga isyu at kontrobersya.
Hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan ng mga Marites all over the universe ang paghihiwalay at pag-urong nina Dominic at Bea Alonzo sa kanilang engagement.
Nagsalita na si Dom sa pang-iintriga sa kanila ni Dapitan Mayor Bullet Jalosjos sa pamamagitan ng kanyang abogado kung saan mariin niyang pinabulaanan ang malilisyosong chika about their friendship.
At makalipas nga ang dalawang linggo mula nang ibandera niya sa publiko ang breakup nila ni Bea, muling naispatan si Dominic sa naganap na Ironman Motorcycle Challenge.
Baka Bet Mo: Bakit nadamay si Mayor Bullet Jalosjos sa hiwalayang Dominic at Bea?
Nakasama ng ex ni Bea sa naturang sports event ang Kapuso actor na si Jak Roberto, base na rin sa report ng “24 Oras Weekend” kahapon, February 25.
Pero nang tanungin nga tungkol sa mga isyu sa kanila ni Bea, marespetong tumanggi si Dominic na sagutin ang ibinatong questions sa kanya.
Basta ang sabi ng dating fiancé ni Bea nang kumustahin ang buhay niya ngayon, “I’m good.”
Magugunitang naglabas ng official statement si Dom para pabulaanan ang mga fake news na naglabasan tungkol sa breakup nila ni Bea at sa malilisyosong balita sa kanila ni Mayor Bullet na may konek sa tinitirhan niya ngayong condo unit na pag-aari ng alkalde.
Sa pamamagitan ng kanyang mga abogado sa Fernandez & Singson Law Offices, pinalagan ng aktor ang mga “malicious and defamatory public statements” umano ng veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin.
“We write on behalf of our client, Mr. Dominic Roque, appertaining to the recent statements of Ms. Cristy Fermin in her social media vlogs.
“We strongly condemn the malicious and defamatory public statements of Ms. Fermin. These defamatory statements were made by Ms. Fermin under the guise of entertainment news without any effort from her to confirm the same from Mr. Dominic Roque.
“The messaging of the innuendos were clear and unambiguous. In fact, the malicious and baseless innuendos were quickly picked up by social media netizens, several of whom even uploaded a photo of Dapitan City Mayor Bullet Jalosjos, without his knowledge and consent.
“He is embarrassed and apologizes to Mayor Bullet Jalosjos and his family for being dragged into the public conversation because of the malicious defamatory public innuendos of Ms. Fermin.
Baka Bet Mo: Apela ni Bullet Jalosjos: ‘Sana bigyan po kami ng chance, ang bagong stars ng Eat Bulaga’
“Finally, to set the record straight, Mr. Dominic Roque and Ms. Bea Alonzo never fought nor had a disagreement over a pre-nuptial agreement.
“Reckless statements relating to the alleged disagreement over a pre-nuptial agreement between them are, not only unverified, but merely based on speculations intended to produce a negative image on the parties concerned,” sabi pa sa statement.
Matatandaang nilinaw na noon ng kampo nina Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez na wala silang binanggit sa kanilang vlogs na pangalan ng mga politikong nauugnay sa isyu.
“Wala po kaming binanggit dito sa SNN o kahit sa CFM. I-rewind n’yo ang paulit-ulit. Kahit i-rewind niyo po ang wala kaming nabanggit na pangalan,” sabi ni Nanay Cristy.