SA susunod na buwan, sampung taon na sa Original Pilipino Music (OPM) ang bandang Cheats!
At kasabay nga niyan ay maghahandog sila ng intimate show na gaganapin sa Balcony Music House sa Makati City sa March 16.
Makakasama nila riyan ang ilang mga kaibigan sa music industry kabilang na ang mga bandang Sandwich, SOS at Oh, Flamingo!
“We wanted to do a show that has a ‘party like it’s the mid-2010s’ vibe,” sey ng 7-piece act sa isang pahayag.
Baka Bet Mo: Elha Nympha sa mga manloloko: ‘Pag cheater, cheater, periodt! Walang echos-echos!’
Kwento nila, “They were among the bands we loved (and still do) and played a lot with back when the band was just starting out.”
“We’ll all play lengthy sets, and while we haven’t come up with a set list yet, we’ll likely play as many of our favorite songs as possible from the last 10 years,” wika pa.
Nagpasalamat din ang Cheats sa lahat ng fans na patuloy na sumusuporta sa kanila hanggang ngayon.
“Thanks to everyone who has supported the band, whether you’ve been there since the early days or just discovered us fairly recently,” wika nila.
Anila, “This will be our first show since last September, so we’re itching to play again for all of you.”
Taong 2013 nang nag-umpisa ang banda na binuo ni Jim Bacarro na isa sa mga bokalista, keys and guitar.
Miyembro rin ang kanyang misis na si Saab Magalona na isa ring bokalista kasama si Candy Gamos.
Ang bassist ay si Manny Tanglao, ang iba pang guitarists ay sina Jason Caballa at Kyle Quismundo, habang ang drummer naman nila ay si Enzo Hermosa.
As of this writing, sold out na ang early bird passes para sa anniversary show, pero ang regular passes ay available pa via bit.ly/cheats10 na nagkakahalaga ng P800.