JM De Guzman gustong pakasalan si Donnalyn Bartolome, sila na ba?

JM De Guzman gustong pakasalan si Donnalyn Bartolome, sila na ba?

PHOTO: Instagram/@1migueldeguzman

KILIG to the max ang maraming fans sa latest social media post ng aktor na si JM De Guzman.

Paano ba naman kasi, tila inihayag ni JM na nais na niyang pakasalan ang internet personality na si Donnalyn Bartolome.

Pero ang tanong ng netizens, magdyowa na ba ang dalawa?

Sa Instagram, ibinandera ng aktor ang picture nila ni Donnalyn na mukhang dumalo sa isang wedding ceremony.

Kalakip niyan ang caption na: “How I wish I see you walk down the aisle [happy face with heart eyes emoji] @donna.”

Baka Bet Mo: JM de Guzman sinorpresa ni Donnalyn Bartolome: Nabigyan mo ako ng pagkakataong lumigaya

Sa comment section, marami na ang nangungulit na umamin na ang dalawa at may mga umaasa rin na matutupad ang pangarap ni JM.

Narito ang mga nabasa namin:

“Kayo na ba???? Please naman kayo na lang plssssss [happy face with heart eyes emoji].”

“Jusko di ako makahinga sa kilig…bagay na bagay talaga [red heart emoji]”

“Wow! So happy for you JM you found the one [happy face with heart eyes emoji].”

“You guys are not getting any younger, start a family na, mag baby na agad.”

“Wow sana soon na idol dalangin ko tlaga [folded hands emoji].”

Noong nakaraang taon lamang, sinabi ni JM na nililigawan pa lang niya si Donnalyn at handa raw siyang maghintay kung kelan siya sasagutin ng dalaga.

“Nanliligaw pa rin. Siyempre, pag may gusto kailangang ipaglaban,” sey niya sa harap ng ilang entertainment press.

Magugunita rin na inilarawan niya ang social media star na, “very caring person, very sincere. Di ko alam, e, nai-inspire ako sa kanya.”

November last year nang ibinandera ni JM ang first-ever date nila ni Donnalyn.

Read more...