Jasmine Curtis umaming kumukonsulta sa therapist kapag ‘inaatake’

Jasmine Curtis umaming kumukonsulta sa therapist kapag 'inaatake'

Jasmine Curtis

RELATE much ang Kapuso actress na si Jasmine Curtis sa isang karakter na bibida sa latest Viva Films offering na “A Glimpse of Forever“.

She will play the role of Glenda, isang babaeng engaged na pero naghanap pa rin ng companionship sa ibang lalaki sa pamamagitan ng virtual dating studio na  “ForeVR.”

Sa kuwento, ang mapipili ni Glenda mula sa mga virtual guys na ipinakita sa kanya ay ang hindi masyadong popular na si Dante na tinatawag ding “The Boy Next Door” na dumaranas nga ng SAD o social anxiety disorder.


Sa ginanap na mediacon para sa “A Glimpse of Forever”, inamin ng aktres na nakaka-relate siya sa pinagdaraanan ng character ni Dante na ginagampanan naman ni Diego Loyzaga.

Baka Bet Mo: Jasmine iniintriga ang lovelife; may inamin tungkol kay Alden

“Not clinically, anxiety, yes. But yung social core, I think, naka-counteract ko yung anxiety when I am chatty. Nao-overcompensate ko siya with my being, ayan, long answers, hahabaan ko pa.

“Maraming explanation para mas maintindihan n’yo ako. Ayan na yun, yun ang version nu’n,” pahayag ni Jasmine.

Rebelasyon pa ng bida sa Kapuso series na “Asawa ng Asawa Ko”, may mga araw na nakakaramdam pa rin siya ng anxiety.

“Yung same as the character in the film, na mahihirapan kang mag-function daily even in a regular setting workplace, thankfully, hindi pa siya ganu’n kalala for me.

“Siguro mga situational na lang, na talagang tensed na tensed ka kasi, ‘Oh my God, natatakot ako sa director na ito, sa producer na ‘to. Ayun, sige, baka humaba pa yung SAD ko,” saad ng aktres.

Dagdag pa niyang paliwanag, “Naka-relate ako sa character siguro kasi sa past relationships ko, not just romantic but also friendship and relationship with parents.

Baka Bet Mo: Jasmine ‘nakatikim’ kina Jaclyn at Dina: Dapat kasi lagi kang handang matuto…

“Communication can be difficult kapag hindi mo kayang i-bring up yung truth or kung ano talaga yung gusto mong i-address na concern, na matagal nang naghi-hinder sa ‘yo mag-progress as a person or even as unit with your friends, parents, or partner in life.


“So, for a while, nahihirapan akong mag-communicate nang maayos to assist myself and the person I need to resolve my issues with.

“Tulad ni Glenda rito, kaya pumupunta siya sa virtual reality, may ways din akong ganu’n, not the virtual reality, but I’ll go talk to a therapist.

“Or I’ll go talk to someone else na ganu’ng klaseng authority na position that can guide me. Ganu’n, naghahanap ako ng ways to solve what’s in front of me,” dugtong pa ng sisteraka ni Anne Curtis.

Pero sa kabila ng mga pinagdaanan at patuloy na pinagdaraanan, ang pinakamahalaga raw ay, “I never give up.”

Read more...