Belle Mariano nag-Divisoria, nakisali sa ‘bibe’ trending clip

Belle Mariano nag-Divisoria, nakisali sa 'bibe' trend

SUPER nag-enjoy ang “Can’t Buy Me Love” lead star na si Belle Mariano sa kanyang paglilibot sa Divisoria.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi nito ang kanyang mga larawan ng kanyang naging adventure habang nag-iikot sa Divisoria.

Bukod sa mga larawan ay nagbahagi rin si Belle ng maikling video ng kanyang pamimili sa Divisoria.

“Divisoria Day !! Had too much fun going around,” pagbabahagi ng Kapamilya star.

Marami sa mga netizens ang cute na cute kay Belle dahil nakisabay na rin ito sa bibe hair clip trend.

““Lavet!!!!! Nextime sama ako!” saad ni Momshie Jolens.

Baka Bet Mo: Andrea Brillantes, Belle Mariano pasadong ‘Gen Z’ version nina Darna at Valentina

Comment naman ng isang netizen, “Pag si belle [nagsuot ng hair clip] cute pero pag ako papansin dawНАНАНАНА oki.”

“Jusq! Ang simple lang pero anlakas ng dating mo sakin,” sey naman ng isa.

May ilan rin na nanghinayang na hindi nakapagpa-picture kay Belle dahil hindi ito nakilala sa kanyang disguise.

Nakasuot kasi ang aktres ng maluwag na black long sleeve polo shirt, loose denim pants, cap, eyeglasses, face mask at sandals kaya hindi agad ito mapapansin.

“cute mo belle hindi kita namukhaan‹ pero super ganda mo parin @belle_mariano,” sabi ng isang netizen.

Hirit naman ng isa, “Pangarap ko lang namanmakita ka, Belindaaaa. so near yet so far ang peg ko HAHAHAHA. Binondo lang work ko.”

“i thought you were a k actress didnt recognize u at first [emojis] SAUR PRETTY,” ani isang netizen.

Read more...