Coco hindi ma-cut ang eksena nina Jaclyn at Irma: Parang boksing! Hayup!
NAPANGANGA at natulala na lang ang Teleserye King na si Coco Martin habang idinidirek sina Jaclyn Jose at Irma Adlawan sa “Batang Quiapo.”
Kuwento ni Coco, hirap na hirap siya bilang direktor ng “Batang Quiapo” lalo na sa pagsigaw ng “Cut!” sa mga bardagulang eksena nina Jaclyn at Irma.
Sey ng premyadong actor-producer hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakakaeksena at naididirek pa niya ang mga iniidolo niyang artista
“Noong idinidirek ko ‘yung eksena ni Jaclyn Jose saka ni Tita Irma Adlawan, namimilipit talaga ako. Direktor ako nu’n, ha!”
Baka Bet Mo: Vice super proud kay Coco: ‘Mag-BFF na kami wala pa kami sa showbiz tapos ngayon Primetime King na! Kakakilabot!’
“Hindi ko sila ma-cut. Kasi sabi ko, ‘Ang sarap nilang panoorin.’ Napakagaling! Para silang nagboboksing na ‘di mo maintindihan. Hayup!” ang pahayag ni Coco sa panayam ng ABS-CBN.
Samantala, inamin din ni Coco na namroblema siya noon sa mga artistang lumalabas sa makasaysayang serye na “FPJ’s Ang Probinsyano.”
View this post on Instagram
Rebelasyon ng aktor sa naturang interview, lahat ng pagkakamali niya sa “Ang Probinsyano” ay itinama na niya sa “Batang Quiapo.”
“Lahat ng mga kakulangan, pagkakamali ko noon sa ‘Probinsyano’ ngayon itinatama ko lahat. Pati ‘yong quality, actors. Dati kasi kapag naisipan ko na sa isang kuwento, itotodo ko agad, e.
Baka Bet Mo: Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?
“Ngayon talaga binabalanse ko. Kasi na-experience ko sa ‘Probinsyano’ namroblema na ako sa artista kasi halos lahat nai-guest namin, e,” pagbabahagi pa ng Kapamilya superstar.
Nasa ikalawang taon na ngayon ang “Batang Quiapo” at bilang bahagi ng anniversary celebration ng programa ibinandera ng produksyon ang mga bagong karakter na mapapanood sa serye.
Makakasama na nina Coco sa “Batang Quiapo” sina Yce Navarro, anak ni Vhong Navarro, Elijah Canlas, Jaime Fabregas, Tessie Tomas, Malou Crisologo, Ara Davao at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.