TILA nagsama-sama ang ilang celebrities sa naganap na reunion concert ng pop-alternative rock powerhouse na Rivermaya.
Maraming kilalang artista kasi ang naki-throwback kila Bamboo Mañalac, Rico Blanco, Nathan Azarcon, at Mark Escueta sa kanilang “Rivermaya: The Reunion” show na naganap sa Paranaque noong February 17.
Ilan lamang sa mga itinanghal ng banda ay ang biggest hits kabilang na ang “You’ll Be Safe Here,” “Kisapmata,” “214,” “Himala,” “Ulan,” at marami pang iba.
Baka Bet Mo: Rivermaya may compilation album, pa-throwback sa kanilang ‘Greatest Hits’
Maris Racal
Siyempre, unang-una riyan ang girlfriend ni Rico na si Maris Racal na fan na fan ang Rivermaya kahit noong wala pa silang relasyon ng veteran singer.
Sa Instagram, ibinandera ni Maris ang pagiging fangirl kung saan may suot pa siyang headband na may mukha ni Rico, at may pa-banner din siya na nagpapakita ng kanyang all-out support sa dyowa.
Ang nakalagay sa hawak niyang banner: “Rico, my oppa”
Caption naman ni Maris sa IG, “‘Rivermaya: The Reunion’ was [fire emoji] What an experience! Witnessed great chemistry on stage.”
Kasama ni Maris sa show ang fellow celebrities na sina Kaila Estrada, Darren Espanto, pati ang couple na sina Jane Oineza at RK Bagatsing.
Jolina Magdangal
At bilang nabanggit natin si Jolina, ipinasilip ng TV host-actress ang setup sa stage bago pa ito nagsimula.
Paglalarawan niya, “Para kayong bumalik dun sa panahon na kasama mo barkada (ako nung highschool to college) mo at kumakanta kayo ng Rivermaya songs pero nasa mundo na ng Gen-Z.”
Para sa hindi masyadong aware, ang mister ni Jolina ay ang drummer ng banda na si Mark.
November 2011 nang ikinasal ang mag-asawa at biniyayaan ng dalawang anak na sina Pele Iñigo at Vika Anaya.
Daniel Padilla
Present din sa special concert ng banda ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram Stories ang ilang moments ng napanood niya sa show.
Judy Ann Santos
Tulad ni Daniel, shinare din ng batikang aktres na si Judy Ann Santos ang ilang moments mula sa Rivermaya concert.
Makikita sa IG Stories na kasama niya ang mister na si Ryan Agoncillo, ang panganay nilang anak na si Johanna, at ang aktor na si Dominic Roque.
“Awesome stage! Awesome performance! Apakahusay!” caption ng aktres.
Gretchen Ho
Dahil sa Rivermaya, napa-reunion ang TV presenter na si Gretchen Ho kasama ang dating teammates ng Ateneo Women’s Volleyball Team.
“Definitely a nostalgic experience going through all the songs that represent various puzzle pieces in our lives. Kisapmata, Elesi, Awit Ng Kabataan, Ulan, 214. Songs that carried us through our childhood days,” kwento niya.
Dagdag niya, “Night was very special. Not just for the fans who literally sound like broken records playing their songs on KTV over and over again, but more especially for the four who had rediscovered each other again after all these years.”
“Maraming salamat, Rivermaya! [emojis] One more round?!! [emojis],” caption pa niya.
Maaalalang naging varsity player si Gretchen ng nasabing team noong 2008 hanggang 2013.
Miyembro siya ng tinatawag na “fab five” ng Lady Eagles na naguwi ng back-to-back UAAP Women’s Volleyball finals.
Maliban sa mga nabanggit, nanood din ng reunion concert ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, at ang actress na si Bela Padilla, ayon sa report ng entertainment journalist na si MJ Felipe.
Kung matatandaan, taong 1994 pa nang nabuo ang Rivermaya na tinaguriang isa sa mga “legends” pagdating sa OPM music.
Ang original members ng banda ay sina Rico, Bamboo, Mark, Nathan at Perf de Castro.
Maalalang tuluyan nang iniwan ni Perf ang grupo noong nakaraang taon, habang sina Bamboo at Rico ay nag-pursue na sa kanilang solo music careers noong 1998 at 2007, respectively.
Ang mga naiwan nalang sa Rivermaya ay sina Nathan at Mark, at ang bago nilang miyembro ay sina Mike Elgar and Aiman Borres.