Rendon: Dahil ang t*t*nga pa rin ng applicant itataas na natin ang offer

 

Rendon: Dahil ang t*t*nga pa rin ng mga applicant itataas na po natin ang offer!

Rendon Labador

MULA sa P25,000, itinaas na ng social media personality na si Rendon Labador ang offer niyang sahod para sa hinahanap niyang EA o executive assistant.

Tila na-bad trip nga si Rendon dahil wala pa rin daw applicant na nakakapasa sa kaisa-isang requirement na hinahanap niya sa isang empleyado.

Sa isang post ng negosyante at motivational speaker sa kanyang My Day sa Facebook ay sinabi nitong dinagdagan na niya ang salary para sa makakapasang aplikante para sa EA position.

“Dahil ang tatanga pa rin ng mga applicant na nasa range ng 25k salary, itataas na po natin ang offer. 35k na po ang offer,” ang diretsahan at walang prenong sabi ni Rendon.

Baka Bet Mo: EA Guzman nakapagpundar na ng mga ari-arian: Very careful ako sa kinikita ko, dapat wais talaga sa paggastos

“Sana wala ng tanga sa ganyang range,” dugtong pa niya.


Sa isa pa niyang post, ipinagdiinan ni Rendon ang kaisa-isahang requirement para sa inaalok niyang posisyon, “Isa lang requirement, ‘yong hindi tatanga-tanga.”

Baka Bet Mo: Personal assistant ni female star baka lumayas na; na-bad trip sa epal na dyowa ng kanyang amo

Samantala, sa latest FB status ng socmed influencer, umaasa pa rin siya na may makakapasa nang applicant sa mga susunod na araw lalo pa’t napakarami raw niyang nakalinyang projects this year.

“SANA MAY MAKUHA NA. Tumaas na ang bigayan, sana may makuha na tayo.

“Ang dami pa naman gagawin para sa Motivated 3×3 dahil sa Ayala Malls TriNoma na gaganapin ang INFLUENCERS CUP 2024 OPENING.

“Tapos may mga itatayo pa tayong Motivated Studios – Sta. Rosa Laguna at MOTIVATED STUDIOS MAKATI, kapag tanga ang nakuha kong EA delikado,” ang pagbabahagi pa ni Rendon Labador.

Read more...