Wasak, duguan ang puso dahil sa love: Move on, move on din ‘pag may time!

Wasak, duguan ang puso dahil sa love: Move on, move on din 'pag may time!

Kim Chiu, Kathryn Bernardo at Bea Alonzo

“IT’S not you, it’s me.” “Makakakita ka rin ng taong para sa ‘yo.” “I need space”. “Nakakapagod ka nang mahalin.” Sounds familiar ba, mga ka-BANDERA?

I’m sure marami ang nakaka-relate sa mga linyahang ganyan, lalo na yung mga nasawi na sa pag-ibig. In fact, gasgas na gasgas na ang mga dialogue na ganyan sa mga hiwalayan scenes sa teleserye at pelikula.

Nitong mga nakaraang buwan ay sunud-sunod ang breakup sa mundo ng showbiz, inumpisahan nga nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hanggang sa controversial na paghihiwalay nina Dominic Roque at Bea Alonzo.

Baka Bet Mo: Julia sa mga babaeng may natitipuhang lalaki: I don’t mind if a girl makes the first move…

Napakaraming nanghinayang sa kinauwian ng relasyon ng mga sikat na celebrity couples pero ganu’n talaga ang buhay – wala ka talagang magagawa kung iyon ang nakatadhana.

Pero ang tanong: ikaw ba yung klase ng tao na madaling makalimot mula sa pagkabigo sa pag-ibig o ikaw yung nangangailangan ng mahabang proseso para tuluyang maka-move on.

Ibabahagi namin sa inyo mga ka-BANDERA ang ilang tips at advice ng mga celebrities na napabilang sa Team Sawi o minsan na ring nagmahal at nasaktan kung paano mag-move on mula sa pagkawasak ng puso.

ANDREA TORRES

“Mag-focus ka sa sarili mo. Gumawa ka ng mga bagay na magpapasaya sa’yo. Saka mga bagay na hindi mo pa nata-try dati. I-discover mo pa yung sarili mo.”

ANDREA BRILLANTES

“Minsan, kung hirap ka talagang mag-move on, kailangan mo talagang isipin ‘yung mga bagay na, ‘Talaga ba? Iiyakan ko ‘yung lalaking hindi nagpapa-laundry ng isang taon?’ Mga ganu’n.”

“Nakakatulong po na parang, ‘Iniyakan ko ‘yung ganyan?’ Mari-realize mo na hindi pala talaga siya special, ‘yung pagmamahal ko ‘yung nagpa-special doon sa tao.”

MAINE MENDOZA

“Gaano mo ba kamahal? Ang pagmu-move on, kanya-kanya tayong style diyan. It’s up to you to find out what works for you. ‘Yung iba, mabilis. ‘Yung iba, matagal.

“Tanggapin mo muna. Isipin mo ‘yung rason kung bakit ka magmu-move on. Ano bang dahilan? Hindi ka ba mahal? Hindi ba nare-reciprocate ‘yung feelings mo? May ibang hadlang? Alamin mo ang rason. Tapos, tanggapin mo. ‘Yan ang number one key sa pagmu-move on —acceptance. Kailangan tanggapin mo na ganun talaga. Everything happens for a reason.

“Ang sabi nila, ‘Feel the pain until it hurts no more.’ Damhin mo lang ang sakit. Kapag pinigilan mo, parang niloloko mo lang ang sarili mo. Damhin mo ang sakit, ‘yung lungkot. Pero huwag mo lang patagalin. Magbigay ka ng oras para diyan.”

“Darating ang araw na makakalimutan mo siya. Kapag dumating ang araw na ‘yun, hindi mo na maiisip na sobra ka palang humaling na humaling sa kaniya noon.”

KIM CHIU

“Lahat naman tayo, naloko sa pag-ibig. Kasi wala nagmahal ka eh, siyempre mashoo-shoot ka talaga sa mundo ng kalokohan. Pero that’s part of life, part of growth. So embrace the pain, and learn something from that experience and then you are good to go!”

“Tsaka lahat ng nangyayari sa buhay natin, ‘di naman yon by chance or by accident. Lahat naman ng nangyayari sa buhay natin is written.

“Ginawa na ‘yon bago pa man tayo pinanganak. Mas madaling tanggapin ang lahat ng bagay. So, parang lahat ng nangyayari sa bawat tao, sadyang itinadhana ‘yon.”

KATHRYN BERNARDO

“Appreciation post for the little things that have been making me smile the past few week…No looking back, only moving forward.”

KYLIE PADILLA

“Pain is a teacher and a catalyst for growth. Let’s not get stuck in the pain that creates cycles of destructive and toxic energies.

“Gratitude stands as the final stage of growth when once you can look back and be grateful for the lesson and don’t wish any negativity on the people that hurt you, that is growth. That is wealth. That is freedom.”

KYLINE ALCANTARA

“I don’t deal with the problems. I don’t ignore them. I really acknowledge them. But I’m not naman kasi ako yung tao na tatagal ako sa same place.

“Ako yung tao na, ‘Okay, maybe something happened, okay, move forward.’ Hindi po sa pag-aano, pero yung pagtsa-church really helped me. Kasi I go there every Sunday na kaya ko po.

“But kung di ko naman kaya, like right now, kasi may lock-in taping ako every Sunday, nanonood po ako ng preaches, kundi man sa favorite church, sa transformation church. So, a lot of people are really helping me right now.”

BEA ALONZO

“Mag-post ka sa social media hindi para i-view niya kundi para sa sarili mo, kasi kung iniisip mo pa rin siya, ibig sabihin hindi mo pa rin binibigyan ‘yong sarili mo ng room to move on. Nabubuhay ka pa rin para sa kanya.

“Tama ‘yang tip na ‘yan because ako I had to learn the hard way. It took me months bago ma-realize ‘yan. Nandoon ‘yung mga kaibigan ko to make me realize that. Do not blame yourself and also surround yourself with people who empower you.

“Don’t call or text. Pag may ibang involved, medyo huwag na lang. Huwag ka na mag-text back! Hello?”

Kayo, mga ka-BANDERA paano kayo mag-move on mula sa pagkabigo sa pag-ibig? Share n’yo na yarn!

Read more...