UMANI ng mga nakakatuwa at nakakaaliw na comments mula sa netizens ang super cute na video ni Chito Miranda at ng anak niyang si Cash.
Pinusuan ng mga followers niya sa Instagram ang ibinahagi niyang short video clip na kuha sa concert tour ng Parokya ni Edgar sa Canada.
Mapapanood sa naturang video si Chito na kumakanta kasama ang iba pang miyembro ng kanyang banda habang karga-karga ang bunsong anak nila ni Neri Miranda.
Aniya sa caption, “Last night’s gig dito sa Toronto. Nag-special appearance si Cash.
Baka Bet Mo: Chito tinawag na blessing si ‘Ate P’: I just want her to be ours, she’s such a good ate kina Miggy at Cash
“(Naging si Cyclops sandali eh),” sabi pa ni Chito na ang tinutukoy ay ang headphone na suot ni Cash na tumakip sa mga mata nito.
Sabi pa ni Chito, “Yung nagko-concert ka tapos kelangan mo ring magpaka tatay (rock & roll emoji).”
Merong mga natawa sa IG post ng OPM icon pero mas marami ang pumuri kay Chito bilang tatay. Imagine, talagang pinagsabay niya ang pagtatrabaho at ang pagiging ama!?
Comment nga ni Mark Leviste, “#DaddyDuties idol!”
“Hahahaha!” ang reaksyon naman ni Joross Gamboa.
Narito ang ilan pang komento ng mga IG followers ng husband ni Neri.
“Hahaha ang kyuuuut!!!”
Baka Bet Mo: Neri Miranda ibinandera ang nabiling condo para kay Cash: Ito ang magiging unang negosyo niya
“Achuuuper kyut mo tlga cash cash!”
“Ambigat ni cash!!! hihi ngalay agad ang daddy.”
“Ung shoes ng anak mo same ng shoes ng anak ko, nakakakilig lang.”
“Ang saya nmn ..Sayang di n kayo bumalik ng Calgary..But kudos to you’re a great Dad!”
“Super Cute ni Cash. multitasking kumakanta at ng’aalaga ng bata idol.”
“Di pwedeng tagay tagay at kanta lang. Dapat may pag-aalaga din ng bata para payagan ni misis.”
Samantala, sa isa pa niyang post sa Instagram, nagbahagi naman ng kanyang open letter ang frontman ng bandang Parokya ni Edgar tungkol sa nararamdaman niyang kaligayahan bilang parent.
Kalakip ang litrato ng kanyang mga anak kasama si Mickey Mouse ang kanyang appreciation post. Aniya, “Sobrang laki ng mga daga dito sa America City…palibhasa panay imported ang mga kinakain nila tapos ang lalaki pa ng serving.
“Sobrang saya ko as a parent na napapa-experience ko sa mga kids ko yung mga ganitong bagay…yung makahuli ng malaking daga.
“Nung maliit pa ako, madalas sabihin sa akin ng Mom ko na dream nya talaga na madala kaming magkakapatid sa Disneyland.
“Kaya nung nagka-anak kami ni Neri, ang isa sa mga una kong ginawa was dalin si Miggy sa Disneyland kasama ng Mom and Dad ko.
“Kaya sobrang saya ko na nagawa ko yun para sa mga anak ko and sobrang nauunawaan ko kung bakit isa yun sa mga pinangarap ng Mom ko para sa aming magkakapatid,” ang kabuuang mensahe ni Chito Miranda.