Xyriel na-enjoy ang pagiging teenager; nagtinda ng fishball at fries

Xyriel Manabat na-enjoy ang normal life; nagtinda ng fishball at fries

Xyriel Manabat

NARANASAN at na-enjoy din ng Kapamilya actress na si Xyriel Manabat ang normal na buhay bilang isang teenager.

Nagdesisyon ang dalaga na iwan pansamantala ang kanyang showbiz career para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral at magawa ang mga karaniwang ginagawa ng mga kabataan.

Halos amin na buwan ding hindi napanood sa telebisyon at pelikula si Xyriel at talagang in-enjoy nang bonggang-bongga ang kanyang normal life na malayo sa limelight.

Baka Bet Mo: Andrea, Xyriel bet sumabak sa lesbian project, hindi uurungan ang halikan

“Kinailangan ko rin po ‘yun para mag-grow, para mas makilala ko ‘yung sarili ko. Mas malaman ko ‘yung mga limits ko, mas malaman ko ‘yung strength ko.


“And para mag-mature ako ng ganito, marami po akong pinagdaanan sa loob ng six years na ‘yun,” pahayag ng dalaga sa isang panayam.

Sabi pa ni Xyriel na talagang nagmarka sa mga manonood nang bumida siya sa Kapamilya series na “100 Days to Heaven” kasama sina Coney Reyes at Jodi Sta. Maria, ginawa niya ang lahat ng gusto niyang gawin bilang normal na teenager.

Baka Bet Mo: Xyriel nais makilala sa galing sa pag-arte, idol na idol si Judy Ann: Siya lang po talaga pinapanood namin ni Mama!

“Lahat ng pwede kong matutunan ginawa ko, nag-bike, nagluto, nag-bake, namalengke, nag-jogging. Sumama sa pagtitinda, nagtinda ng fishball, fries.

“Tumulong kay Mama maghimay ng saging. Tumambay, magpalipas ng buong araw sa kwarto. Mag-print ng napakaraming walang kwentang papel,” tuloy-tuloy na pagbabahagi ng dating child star.

“Alam n’yo po ‘yun? Gusto ko lang ma-maximize ‘yung araw na masasabing, ‘Im living,'” dugtong pa niya.

Ni-reveal din niya sa naturang panayam na kahit nawala siya sa showbiz pansamantala, may mga offer pa rin sa kanya ang ABS-CBN at maging ang iba pang TV network.

Pero mas pinili pa rin niya ang normal na buhay, “Sa loob ng six years na ‘yun, nakakakanggap kami ng offer kahit sa kabilang network. Hindi po nawawalan, pero sariling desisyon ko, sariling stability sa utak ‘yung ini-aim ko.”

“Kumbaga gusto ko na hindi ko mami-miss ‘yung youth ko kasi malaki po sa early age ko ‘yung nawala.


“Pero at the same time, na-enjoy ko po ‘yun. Pero gusto ko lang po ‘yung gigising ako ng isang araw na wala akong iisiping schedule.

“Wala akong iisiping work, wala akong call time. Gigising ako para tumambay, gigising ako para pumunta sa school, ‘yung parang normal na buhay? Gusto ko po ‘yung regular life,” aniya pa.

Ipinagdiinin pa niya na wala siyang pinanghihinayangan sa naging desisyon niya noon, “Kasi super, duper happy nga ako sa work, sa career, tapos may na-miss ako o one day look back ako, ‘Ay sayang.’ Ayoko ng regrets.

“Gusto ko stable ‘yung sa career ko, but at the same time, ma-balance ko ‘yung sa normal life ko na, at one point in my life, naging normal akong tao.

“Pumupunta ako sa SM hindi para sa work. Pupunta ako sa SM na dadaan lang ako. O pupunta ako sa school kahit walang pasok. Tatambay lang,” katwiran pa ni Xyriel.

Pero ngayon ngang nagbabalik na siya sa showbiz, kakaririn na raw talaga niya ang pagtatrabaho na talagang minahal naman niya kahit noong bata pa siya.

Pagkatapos ng hit series niyang “Senior High” kung saan nakasama niya ang mga BFF niyang sina Andrea Brillantes at Zaijian Jaranilla, excited na raw siya sa mga susunod pang projects na gagawin niya sa ABS-CBN.

Looking forward din siya sa posibilidad na magkaroon ng second season ang “Senior High” kung saan sumikat ang tambalan nila ni Elijah Canlas na RoxChie, ang pinagsamang pangalan ng mga character nilang sina Roxy at Archie.

Read more...