Andrea nakikipag-date sa inirereto ng mga kaibigan, pero walang mapili

Andrea nakikipag-date sa inirereto ng nga kaibigan, pero walang mapili

Andrea Torres

GAME na game na nakikipag-date ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres sa mga lalaking inirereto sa kanya ng mga kaibigan.

Pero agad namang nilinaw ng dalaga na hindi naman araw-araw at sunud-sunod ang kanyang paglabas sa mga guy na ipinakikilala sa kanya ng mga friends para maging dyowa.

Ayon kay Andrea, single pa rin siya hanggang ngayon at matagal-tagal na rin siyang bumalik sa “dating scene” pero parang wala pa talaga siyang napupusuan sa mga lalaking naka-date niya.

Baka Bet Mo: Zeinab Harake may kayakap sa pool, nakahanap na nga ba ng gwapong dyowa?

Sa podcast na “Updated with Nelson Canlas,” natanong nga siya tungkol dito, “Yes. Actually, matagal-tagal na rin. Hindi kasi ako ‘yung maya’t maya, medyo may gap talaga.”

Sey ni Andrea, nagiging kaibigan na rin daw niya ang mga guys na naka-date niya.

“Lumalawak ang mundo ko, and ngayon din na nagta-travel ako, nakakatuwa kasi siyempre parang nakaka-meet ka ng iba-ibang klaseng tao, tapos nalalaman mo ‘yung buhay nila.

“Ine-enjoy ko lang talaga. Ganu’n pa rin naman, single, pero happy and nag-e-enjoy, nag-e-explore ng buhay,” chika ng Kapuso star na muling ipinagdiinang “not exclusively” ang kanyang pakikipag-date.


Hindi naman feel ng dalaga ang long  long distance relationship o LDR dahil sa tingin niya hindi ito para sa kanya ngunit ayaw din niyang magsalita nang tapos dahil baka kainin din niya sa bandang huli.

Baka Bet Mo: Xian Gaza sinabing hindi kaaway si Donnalyn: She is a friend na ico-call out ka kapag alam niyang mali ka

Dagdag pang chika ng dalaga, sana raw ay makatagpo siya ng lalaking susuportahan ang kanyang mga plano at pangarap sa buhay

“Ideally talaga, makakita ka ng tao na ipu-push ka rin sa pangarap mo, hindi ka ii-stop sa mga gusto mong marating pa sa buhay,” aniya.

Kung hindi kami nagkakamali, ang huling naging karelasyon ni Andrea ay si Derek Ramsay na maligayang-maligaya na ngayon sa piling ng kanyang asawang si Ellen Adarna.

Read more...