‘Abot Kamay na Pangarap’ kinondena ng netizens, insensitive raw?

Abot Kamay na Pangarap kinondena ng netizens, insensitive raw?

TILA hindi nagustuhan ng mga netizens ang isang eksena sa Kapuso afternoon teleserye “Abot Kamay na Pangarap” na pinagbibidahan ni Jillian Ward.

Agad ngang nag-trending sa social media ang naturang clip mula sa teleserye kung saan ang mga linya ng mga cast ay pumapatungkol sa taong nagkakaroon na marahil ng problema sa pag-iisip.

Marami sa mga netizens ang nadismaya sa produksyon ng Kapuso teleserye lalo na sa paggamit nito ng terminong “lumuluwag na turnilyo” at “Baliwag”.

“Naku, mukhang lumuluwag na ang turnilyo nito,” linya ni Sue Prado habang sey naman ni Jackielou Blanco, “Papunta na ‘to sa Baliuag, Bulacan.”

Baka Bet Mo: Batang Quiapo, Abot-Kamay Na Pangarap, Black Rider isinumbong sa MTRCB

Hindi maiwasan ng mga netizens lalo na ng mga residente mula sa Baliuag ang eksena ng naturang teleserye.

Makikita sa X (dating Twitter) ang mga sentimento ng netizens ukol sa kontrobersyal na episode.

“Grabe naman ‘yung sinabi sa eksena sa ‘Abot-Kamay na Pangarap’, hindi po kami BALIW porke’t nakatira sa Baliuag City, Bulacan BALIW agad nasa isip. Lagi ko pa naman po pinapanood ito,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Nako ha @gmanetwork @GMADrama naturingang mediserye itong show ni Doc Analyn pero ang insensitive ng writer n’yo about mental health issues.”

“Noong una ang ganda sana nitong Abot Kamay na Pangarap pero nung nag hit pinahaba na ng husto.. sayang,” sey naman ng isa.

Samantala, wala pa namang pahayag ang naturang produksyon maging ang GMA Network hinggil sa isyung ito.

Read more...