‘Kabaong’ ni Dingdong Dantes binili ni Boss Toyo ng P250k

'Kabaong' ni Dingdong Dantes binili ni Boss Toyo ng P250k

BINILI ng social media personality na si Boss Toyo ang kabaong na ginamit ni Dingdong Dantes sa pelikulang “Rewind” sa halagang P250,000.

Sa latest episode ng kanyang vlog na “Pinoy Pawnstars” na ipinalabas ngayong araw, February 16, dinala ng owner ng punerarya na St. Athanustus Memorial Chapel na si Pasky Ilagan ang naturang casket sa shop ng kilalang businessman at vlogger para ibenta ito.

Tila namangha si Boss Toyo dahil sa unang pagkakataon ay may nagdala ng kabaong sa kanyang shop upang ibenta sa kanila.

Mas lalo pang naging interesado ang vlogger matapos niyang malaman na ito pala ang ginamit ni Dingdong sa pelikulang “Rewind” na itinanghal bilang highest grossing film of all time sa bansa.

Agad ngang tinanong ni Boss Toyo ang may-ari kung magkano nito bakak ibenta ang kabaong at pinresyuhan siya ng P1 million.

Nanghingi rin siya ng mga pruweba kung ito nga ba talaga ang gamit ng Kapuso actor.

Nagpakita naman ng video ang kampo nina Pasky dahilan para magkatawaran na sila kung magkano nga ba niya ito bibilhin.

Baka Bet Mo: ‘Bukol’ ni Boss Toyo pinagtripan ng netizens, tinawag na ‘Felix Bakat’

“Loves, kapag nawala ako, pero hindi pa ngayon, dito mo ko ilalagay [sa kabaong],” sey ni Boss Toyo.

Dagdag pa niya, “Pero mga ano pa ‘yun, mga 2090 pa. 2024 pa lang ngayon, mayron pa akong madami pa, 60 years pa.”

Unang counter offer ni Boss Toyo ay bibilhin niya ang naturanf kabaong ng P200,000.

Hindi naman pumayag sina Pasky at tumawad pa ito na lakihan ang offer.

Hanggang sa nagkasundo sina Boss Toyo at Pasky sa halagang P250,000.

Nagbigay panawagan naman ang personalidad sa Kapuso actor kung maaari ba itong makadalaw sa kanilang munting shop.

“Sir Dingdong alam ko nanonood ka lagi ng Pinoy Pawnstar.Nandito sa harapan ko ‘yung hinigaan mo sa Rewind so I hope kapag nagkasundo kami ni Sir [Pasky], pasyalan mo naman ako dito sa aking munting shop para mapirmahan,” sey ni Boss Toyo.

Read more...