Maja Salvador, Rambo Nuñez ipinagdiriwang ang 1st wedding anniversary

Maja Salvador, Rambo Nuñez ipinagdiriwang ang 1st wedding anniversary

PHOTO: Instagram/@maja

KASABAY ng Araw ng mga Puso ay minarkahan na rin ng mag-asawang Maja Salvador at Rambo Nuñez ang kanilang first wedding anniversary.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinandera ng dalawa ang ilang masasayang throwback pictures ng kanilang kasal last year.

Proud caption ni Maja sa kanyang post, “5 years together. 1st year as Mr. & Mrs Nuñez.”

“I love you Dada @rambonunez. Happy Anniversary to Us!” mensahe pa niya.

Baka Bet Mo: Maja Salvador may picture with Park Seo-joon: Saktong ngiti lang kasi…

Tulad ni Maja, inalala din ng kanyang mister ang special moment na nangyari noong nakaraang taon nang sila’y ikinasal.

Sey niya sa IG, “Last year’s Valentine’s date was Forever [white heart, ring emojis].”

Ani pa niya, “Happy Anniversary My Love! @maja”

Baka Bet Mo: Maine Mendoza, MJ Lastimosa sinorpresa si Maja ng bonggang baby shower

Maraming netizens naman ang bumati sa mag-asawa at narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Love wins Maja all the best. In marriage respect, trust, communication is the key to beautiful marriage cheers to more love.”

“Happy love love love mr and mrs nuñez with baby ramba [smiling face with heart eyes emojis].”

“Happy anniversary! love you both so much & happy valentines to you both and the little girl [red heart emoji] ingat kayo.”

Nagkomento din ang ilang kapwa-artista kabilang na sina MJ Lastimosa, Kakai Bautista, Angelica Panganiban, Loisa Andalio, Ruffa Mae Quinto, at marami pang iba.

Magugunita noong July 31 nang ikinasal ang dalawa sa Indonesia, pero bago ‘yan ay nagkaroon muna sila ng secret wedding dito sa Manila noong February 14 last year.

December last year naman nang inanunsyo ng mag-asawa na magkakaroon na sila ng baby.

At nitong buwan lamang nang maganap ang pa-gender reveal nila sa kanilang first baby na isang babae.

Read more...