Mariel ibinandera ang simpleng date ng Valentine’s Day with Sen. Robin

Mariel ibinandera ang simpleng date ng Valentine's Day with Sen. Robin

PHOTO: Instagram/@marieltpadilla

Dahil may live selling ang TV host-actress na si Mariel Rodriguez-Padilla kahapon, Pebrero 14, kaya sa sariling bahay lang nila ng asawang si Senator Robin Padilla nila ipinagdiriwang ang Valentine’s Day.

Kung dati-rati ay sini-celebrate ng mag-asawang Senator Robin at Mariel ang Valentine’s Day sa mga fancy o fine dining restaurants ay kakaiba ngayong 2024.

Mas gusto rin ito ng mag-asawa dahil kapiling nila ang kanilang dalawang anak na sina Gabriella at Isabella, plus their staff na nakipag-“cheers” din sa kanila.

Ang caption ng mga larawan ay, “Steak nights @cookinginafoodmarket non alcoholic sparkling wine hehehe I told Robin sa bahay na lang tayo mag celebrate kasi mag live selling ako hehehe.”

chika pa niya, “Buti na lang simple lang ang asawa ko, truth be told mas gusto niya talaga yun. So here is hearts day 2024 at our household, how was your day?”

Baka Bet Mo: Mariel Padilla natupad ang pangarap na maging live seller, nagbabala sa mga scammer

Unang nagkomento ang bff at host ni Mariel na si Toni Gonzaga, “The Best.”

Sagot naman ni Mariel, “@celestinegonzaga simple lang ehhehe pero masaya hehe.”

Maraming showbiz at non-showbiz ding bumati sa mag-asawa na umabot na sa mahigit 5,000 ang mga nag-like.

Iba’t ibang klase naman ng bulaklak ang bigay ni Sen. Robin sa asawa tulad ng nakagawian na niya at hawak naman ito ng mga anak nila.

Happy V-Day Robin at Mariel.

Read more...