TAPOS na ang Valentine’s Day, pero nabalitaan namin na tila nagkaroon pala ng “hugot” entry si Vice President Sara Duterte.
Nagbigay kasi siya ng personal na opinyon pagdating sa pagkakaroon ng “crush.”
Pinayuhan niya ang publiko na iwasang lapitan o i-approach ang mga ito.
Ang kanyang rason, “because [they] will crush and break your heart…That’s why a person you like is called a ‘crush’.”
“So it’s better not to approach [them]. Happy Valentine’s to all of you,” sey pa niya.
Baka Bet Mo: Sara Duterte: Kung sino man ang kumokontra sa confidential funds ay kumokontra sa kapayapaan
Hindi pa riyan natatapos ang entry ng bise presidente dahil ibinandera naman niya sa kanyang TikTok page ang kanyang paalala na mas mahalaga raw ang bigas kaysa sa pagmamahal ngayong ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso.
“For me, rice is more important than love,” sey niya sa post translated in Filipino.
Paliwanag niya, “If you have love but no money to buy rice, it’s like eating kare-kare without rice.”
“That’s how Valentine’s Day should be: Rice before love,” ani pa niya.
@inday.saraduterte “Roses are red, violets are nice, but nothing compares to the way you spice up my rice!” 🍚💚 Happy Valentines Day everyone 😃 #Valentines ♬ original sound – inday.saraduterte
Sa comment section, maraming netizens ang natawa at tila sinakyan ang hugot ni VP Sara.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“[laughing emojis] we love a leader with a sense of humor [laughing emojis]”
“May bigas na po kami….so I deserve [love] [laughing emoji]”
“Tama po madam VP [laughing emoji] unahin ‘yung makakain..kaysa sa valentines”
“Para sa future wife ko asahan mo ang isang sakong bigas pasalubong ko sayo sa bahay niyo [happy face with blush emoji]”
“Yes mas importante ang bigas kaysa sa pagmamahal at bulaklak [happy face emoji]”
Samantala, ayon sa website ng Department of Agriculture (DA), ang presyo ng bigas kada kilo ay mula P50 hanggang P65 depende kung ano ang klase nito.