NALOKA ang madlang pipol sa ibinanderang video ng Kapamilya actor na si Christian Bables sa kanyang social media pages.
Nitong Martes, February 13, nag-post ang aktor ng video na kuha habang namamasyal sita sa Las Vegas, Nevada.
“Pumunta talaga ako ng Las Vegas para maiumpog yung ulo ko sa pwet,” saad ni Christian sa caption ng kanyang video.
Makikita sa video na nakaluhod siya habang inuumpog ng babaeng nakasuot ng sexy outfit ang ulo niya sa gilid ng puwet nito.
Bati naman ni Christian sa madlang pipol, “Happy Valentines nalang mga mahal.”
Pabirong hirit pa ng award-winning actor, “Mga mahal, amoy strawberry.”
Baka Bet Mo: Christian Bables naging kabit sa edad na 18: ‘Bumorder line sa katangahan’
Agad ngang umani ng samu’t saring komento mula sa madlang netizens ang naturang post ng aktor.
“Ang swerte mo naman! Sana ako din Potek hahaha,” pabirong saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa sa post ni Christian, “Rated SPG!”
Sey naman ng isa, “Sumbong kita kay Jennica Garcia!”
At speaking of Jennica, nag-comment rin ito sa post ni Christian.
“Hi! Wala na pala ko pamasahe. Hindi na kita masusundo sa airport. K bye!” saad ni Jennica.
Reply naman ni Christian, “hahaha tol she abused me.”
Marami naman sa mga netizens ang tila kinilig sa palitan ng komento ng dalawa.
“Christian Bables Paktay ka kay Disney Princess. Magiging Maleficent na yan si Ms. Jennica Garcia HAHAHAHHAHA,” sey ng isang netizen.
“Selos ka idol?” pang-asar naman ng isa.