Sharon 1 buwan nang umiika-ika kaya hindi nakanood ng concert ni Pops

Sharon 1 buwan nang umiika-ika kaya hindi nakanood ng concert ni Pops

PHOTO: Facebook/Sharon Cuneta

IBINANDERA ni Megastar Sharon Cuneta ang kanyang health update sa social media.

Ayon sa kanya, kasalukuyan siyang sumasailalim sa physical therapy dahil mahigit isang buwan nang nananakit ang kanyang paa at hita.

“I’ve done two sessions with my physical therapist, plus acupuncture [and] cupping,” caption niya sa kanyang Instagram page noong February 13.

Nabanggit din niya na dahil sa nararamdaman niyang sakit ay hindi siya nakanood ng concert ng kapwa singer na si Pops Fernandez.

“I still haven’t stopped limping. Ayoko naman po magpakita sa lahat ng umiika-ika pa rin,” sambit niya habang ikinukwento na ang tanging pagkakataon na umalis siya ay ‘yung nakiramay siya sa burol ng namayapang ABS-CBN executive na si Deo Endrinal upang magbigay-respeto, at ‘yung time na nakipag-bonding siya sa Sotto family dahil sa sobrang tagal na hindi sila nagkita.

Baka Bet Mo: Pops wala pa ring dyowa pero may ka-date tuwing Valentine’s Day, sino kaya?

Sa kabila niyan, inamin ni Sharon na nag-eenjoy siyang manatili sa kanyang kama kasama ang kanyang laptop, at sa pahinga na kailangan niya.

“Every single day for longer than a whole month now, I have been in pain. Baka po mag-alala kayo, please don’t worry!” mensahe niya sa fans.

Dagdag pa niya, “Basta tuloy lang PT, lilipas din ito.”

“It feels so good though to have a social media detox. Please take good care and if you can, please include me in prayers,” ani pa ng batikang singer.

At bilang nabanggit si Pops sa kanyang post, nag-reply naman agad sa kanya ang mang-aawit.

“Oh no. Sis hope you feel better soon [folded hands, red heart emojis],” komento ni Pops.

Paliwanag naman ni Sharon, sinubukan niyang maglakad nang matino bago pumunta sana ng concert, pero hindi raw niya talaga kaya.

“I felt so bad…I wish I could’ve been there to hug you & pray with you before you went onstage…But you were great!!! Congrats sis!!! Am posting this because I want everyone to know I love you. Repeat na dali! [red heart emoji],” tugon sa kanya ng Megastar.

Naintindihan ni Pops ang kanyang sitwasyon at sinabing, “Be well soon. That is more important…love u sis [flying kiss, red heart emojis].”

Baka Bet Mo: Sharon humiling ng dasal para sa nararanasang karamdaman: ‘I am scared’

Nauna nang ibinahagi ni Sharon noong nakaraang linggo na nahihirapan siyang maglakad dahil sa iniindang sakit sa kanyang legs.

Dahil daw diyan ay napagdesisyunan niyang sumailalim sa physical therapy.

Kasunod niyan ay ibinalita ng veteran showbiz columnist at TV-radio host na si Cristy Fermin sa programa niyang “Cristy Ferminute” noong February 7 na sumailalim sa Magnetic Resonance Imaging (MRI) ang Megastar.

Masaya niyang kinumpirma na naging maganda ang resulta ng MRI ni Sharon at walang nakitang problema sa buto.

Read more...