3 Kapuso actor ‘nabaliw’ din sa pag-ibig; Teejay mas pinili ang dyowa

3 Kapuso actor 'nabaliw' din sa pag-ibig; Teejay mas pinili ang dyowa

Boy Abunda, Kristoffer Martin, Royce Cabrera at Teejay Marquez

NAGPAKABALIW din sa ngalan ng pag-ibig ang mga Kapuso actor na sina Kristoffer Martin, Royce Cabrera at Teejay Marquez.

Magkakasama ang tatlong aktor sa GMA afternoon series na “Makiling” bilang mga miyembro ng grupong Crazy 5, ang mga nagpapahirap sa lead stars ng programa na sina Elle Villanueva at Derrick Monasterio.

Natanong ang tatlong Kapuso stars sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kung ano ang “craziest thing” na ginawa nila para sa love.

Unang sumagot si Royce na nagsabing isinuko niya sa kanyang pangarap na maging artista para sa pagmamahal.

Baka Bet Mo: Kristoffer Martin tunay na ‘kuya’ na ang turing kay Alden: Ang payo niya sa akin magdasal lagi, kapit lang kay Lord…

“Parang ang takot po nu’ng time na ‘yun, baka kapag pumasok na sa industriya natin e, maligaw, tapos magkaroon ng conflict sa samahan namin,” ani Royce.

Pero na-realize ng binata na gusto talaga niya ang pag-aartista kaya nagtuluy-tuloy na siya sa showbiz.

Sey naman ni Teejay, ipinagpalit daw niya ang kanyang pamilya sa taong sobra niyang minahal.


Kuwento ng aktor, nang pagbawalan daw sila ng pamilya ng babae na magkita,  napilitan siyang magtago sa trunk ng isang taxi para lang makapasok sa village kung saan nakatira ang girl.

Baka Bet Mo: Teejay Marquez pinahirapan nang bongga sa ‘Takas’; gumapang, tumakbong nakapaa sa gubat

Ang “pinakabaliw” namang ginawa ni Kristoffer sa larangan ng pag-ibig ay para raw sa kanyang anak na si Precious.

“Ako siguro kahit makita kaming magkasama, kahit masira ‘yung career ko, wala akong pakialam,” aniya.

Rebelasyon ni Kristoffer, matagal-tagal ding panahon ang lumipas bago niya ibinandera sa publiko ang tungkol sa kanyang anak.

In fairness, kapag tinatanong naman daw siya ng mga tao kung anak niya ang batang kasama niya, ang palagi niyang isinasagot ay, “Opo, anak ko po ‘to.”

“Kumbaga, sabi ko, hinayaan ako ni Lord na sa sarili kong way mailabas ‘yung anak ko, hindi sa kalat-kalat,” aniya pa.

Read more...