Bea ‘second option’ lang kapag inayawan ni Marian ang project, how true?

Bea 'second option' lang kapag inayawan ni Marian ang project, how true?

TRULILI kaya ang chikang kumakalat na bago pa raw makaabot kay Bea Alonzo ang isang project ay iniaalok muna ito sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera?

Ito raw kasi ang balikang nakarating kay Ate Mrena na kasama nina Ogie Diaz at Mama Loi sa “Showbiz Update”.

Sa latest episode kasi ng naturang online show na mapapanood sa YouTube ay napag-usapan ng tatlo ang kontrobersyal na break up nina Bea at ng dati nitong fiancè na si Dominic Roque.

Ayon kay Ogie, magkaiba raw ang atakeng gusto ng dalawa sa kahilang kasal.

Chika ni Ogie, ang bet raw kasi ni Bea ay grandiosa gaya ng ibang showbiz couple weddings tulad ng kina Marian Rivera at Dingdong Dantes habang simple naman ang gusto ni Dominic.

Dito naman sumingit si Ate Mrena at may inispluk ukol sa dalawang Kapuso actresses.

Baka Bet Mo: Bea, Dominic kinumpirma na ang paghihiwalay: ‘This is extremely painful’

“Pati ba naman sa wedding, Kuya? Makikipagkompitensya pa si Bea Alonzo kay Marian [Rivera]?” chika ni Ate Mrena.

Sabi naman ni Ogie, “Ayan na naman. Ako na naman [mayayari] n’yan e.”

“Kasi kuya, si Bea at saka si Marian ngayon ang pinakasikat ngayon sa GMA?” lahad ni Ate Mrena.

“Oh eh anong konek non sa wedding? E ikinasal na si Marian kay Dingdong?”

“E kasi kuya, may kaibigan ako sa GMA… May nasabi lang sa akin na bago i-alok ang isang teleserye kay Bea Alonzo, e dadaan muna kay Marian,” sey ni Ate Mrena.

Aniya, si Marian daw muna ang unang aalukin at kapag hindi ito bet ni Marian ay saka lang ito iaalok sa aktres.

Pero sey ni Ogie, hindi pa naman kumpirmado ang naturang balita.

“Parang gustong sabihin ni Mrena, bago tanggapin ni Bea ‘yong isang teleserye tama ba? Inialok na muna ‘yon, nauna nang naialok ‘yon kay Marian, Jusko nakakaloka, ako na naman… Huy, hindi ‘yan confirmed ha.”

Samantala, wala pa namang pahayag ang GMA Network maging sina Bea at Marian hinggil sa isyung ito.

Bukas naman ang BANDERA para sacpglilinaw ng mga kampong sangkot sa isyung ito.

Read more...