INALMAHAN ng batikang manunulat na si Cristy Fermin ang naging official statement nina Bea Alonzo at Dominic Roque tungkol sa kanilang breakup.
Feeling ni Nanay Cristy, sinisisi pa ng ex-celebrity couple ang showbiz press sa pagkalat ng balitang hiwalay na sila at hindi na matutuloy ang kanilang kasal.
Sa episode ng “Cristy Ferminute” nitong nagdaang Lunes, February 12, sana raw ay nagsalita agad sina Bea at Dominic tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon at hindi na nila pinatagal pa ang pananahimik.
“Kung bakit naman kasi pinatawing-tawing n’yo pa ang panahon. Tapos ngayon sisisihin n’yo na naman mga press people? Social media bashers na naman?” ang diretsahang sabi ni Nanay Cristy.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo may inamin, Vice Ganda isa sa mga naging daan para maging sila ni Dominic Roque
Knows daw ng premyadong showbiz columnist at content creator kung sino ang tinutukoy nina Bea sa kanilang official statement hinggil sa mga taong nagkumpirma ng kanilang breakup ng walang pahintulot.
Sa pagkakaalam namin, dalawa lang ang nag-issue ng kumpirmasyon sa hiwalayang Bea-Dominic, ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda at ang talent manager-vlogger na si Oige Diaz.
“Ako, ang aking sakop, ‘yung politiko. Sa politiko, ipaglalaban ko ‘yan. Kakantahan ko ng ‘Ipaglalaban Ko’ ‘yan hanggang sa dulo ng mundo,” ang natatawa pang chika ni Nanay Cristy.
Ang tinutukoy niya ay ang personalidad na nagmamay-ari raw ng condo unit na tinitirhan ngayon ni Dominic.
Hirit pa ni Nanay Cristy kay Bea, “Pero para sisihin mo ‘yong mga tao na unang nagsalita tungkol sa hiwalayan, parang hindi yata maganda sa panlasa.
“Inunahan n’yo na dapat ‘yan. Inagapan ninyo para wala kayong sinisisi,” dugtong pa niya.
Linggo ng gabi nang maglabas sina Bea at Dom ng kanilang joint statement kung saan in-announce nga nila sa publiko ang kanselasyon ng kanilang wedding.
Baka Bet Mo: Gladys Reyes puring-puri ng entertainment press, consistent at hindi nakakalimot
“After much thought, consideration and care, we have mutually decided to amicably end our engagement.
“It was not an easy decision, we wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.
“Unfortunately, some even confirmed our breakup without our consent and some created ridiculous stories that have no basis and were utterly false so we felt the need to share this announcement with great sadness for our peace of mindand our families.
“Please understand that this is extremely painful yet united decision and we sincerely request for everyone to kindly spare us from more cruel and very hurtful words thrown on social media.
“We kindly request to give us the privacy we need as we navigate our future lives with respect, kindness, compassion and dignity.
“Thank you for your understanding and support,” ang kabuuang pahayag ng dating magkarelasyon.