Bea spotted sa Singapore, bagsak na bagsak daw ang mukha: ‘Kawawa naman’

Bea spotted sa Singapore, bagsak na bagsak daw ang mukha: 'Kawawa naman'

Bea Alonzo at Dominic Roque

SA LATEST vlog ng “Showbiz Update” nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh ay nabanggit na nasa Singapore si Bea Alonzo kasama ang pamilya para magbakasyon.

Alam naman ng lahat na may pinagdaraanan ngayon si Bea kaya ang pamilya niya ang kasama sa mga panahong kailangan niya ng karamay.

Simula nang pumutok ang balitang hiwalay na sina Bea at ang mapapangasawa sana niyang si Dominic Roque ay umiwas na siya sa harap ng kamera.


Ang huling post pa niya sa kanyang Instagram account ay ang larawan nila ng namayapang ABS-CBN executive at Dreamscape Entertainment head na si Mr. Deo T. Endrinal pitong araw na ang nakararaan.

Baka Bet Mo: 2 Pinoy designers ang gumawa ng national costume ni Miss Singapore Bernadette Belle Ong

Kahit nasa ibang bansa na si Bea ay hindi pa rin siya nakaligtas sa mga mata ng netizens dahil nagpadala sila ng mensahe sa Pambansang Marites na si Xian Gaza.

Ipinost ni Xian ngayon sa kanyang Facebook account na patalon-talon (palipat-lipat ng restaurant) si Bea at bagsak ang mukha nito.

Aniya, “Namataan daw ng mga Marites si Bea Alonzo sa Marina Bay Sands, patalon-talon ng restaurants, kain ng kain kasama ang pamilya. Bagsak na bagsak daw ang mukha. Makapal daw ang eyebags. Kawawa.”

Tinanong daw si Xian ng mga Marites kung kukunan nila ito ng pictures para may mai-post na update tungkol sa aktres.

Ang sagot ng social media personality, “Tinanong nila ako kung pi-picturean daw ba para ma-post ko, sabi ko respetuhin natin yung privacy ng tao lalo na ngayon na may mabigat siyang pinagdadaanan.


“‘Huwag mong picturean, videohan mo’ wika ko. Hindi ko pwede i-upload yung video at hindi ko rin pwedeng ipasa sa iba at baka tamaan ako ng strict Singapore law.

Baka Bet Mo: Robi hugot na hugot: ‘Kung saan walang-wala na, kung saan pagod na pagod at bagsak na baksak, doon lalabas ang totoong Kapamilya!’

“Yung mga krimen na ginagawa ko ay inaayon ko sa batas ng isang bansa kaya hanggang ngayon ay wala akong kaso anywhere in the world maliban sa Pinas,” aniya.

Ang tanong, ‘yung kumuha kaya ng video ay hindi ginamit ang kanyang social media account at gumamit lang ng dummy account?

Anyway, nakaabang pa rin ang lahat sa pagsasalita ni Bea Alonzo tungkol sa hiwalayan nila ni Dominic. Ibandera rin kaya niya ang tunay na nangyari tulad ng ginawa niya noong mag-break sila ni Gerald Anderson?

Read more...