“ALWAYS present and consistent.”
Ganyan inilarawan ng beauty queen-actress na si Ruffa Gutierrez ang kanyang rumored boyfriend na politician-actor na si Herbert Bautista sa isang social media post.
Kamakailan lang, ibinandera ni Ruffa ang ilang masasayang moments nang ipinagdiriwang ng kanyang pamilya ang ika-82nd birthday ng ama na si Eddie Gutierrez.
Baka Bet Mo: Ruffa sa relasyon nila ni Herbert: ‘Only God knows kung magkakatuluyan kami in the future or not’
Maliban sa pamilya, present din sa selebrasyon ang ilang celebrities kabilang na sina Sen. Robin Padilla, Sunshine Cruz at Karla Estrada.
Naroon din siyempre si Herbert na nagkaroon pa ng special mention sa Instagram Story.
Ibinahagi ng dating beauty queen ang video ng dating Quezon City mayor habang kinakanta ang “Just the Way You Are” ni Billy Joel.
Caption diyan ni Ruffa, “Always present and consistent through good and bad times.”
Mensahe pa niya, “Thank you for loving my dad, Herbert Bautista. Mahal ka namin.”
Kung matatandaan noong 2022, nagsimulang maging usap-usapan na may namamagitan sa pagitan nina Ruffa at Herbert matapos mahuling magkasama nang ilang beses.
Sa kaparehong taon din nang umamin ang aktres na may “platonic relationship” siya with a special someone.
“I think ang masasabi ko now parang platonic siya, para siyang mentor ko,” sey niya sa isang interview.
Paliwanag pa niya noon, “Parang mentor lang ‘yung peg, ako ‘yung estudyante-slash-experiment.”
Kamakailan lang, nachika ang rumored couple na magkakaroon na ng anak.
Pero agad naman ‘yang tinuldukan ni Ruffa at sinabi sa kanyang IG Stories na ito ay fake news.
Ayon pa sa kanya, hindi na sana niya papatulan ang mga balitang ito, pero marami na raw kasi ang tila naniniwala.