MAY mga bagong pelikula nanaman ang kaabang-abang para sa taong ito!
Magbabalik big screen ang ilan sa mga paborito nating pelikula kabilang na riyan ang “Kung Fu Panda” at “A Quiet Place.”
Sa March 6 na masisilayan ang tinaguriang everyone’s favorite na Kung Fu-fighting Panda na si Po sa animated film na “Kung Fu Panda 4.”
Mapapanood sa pasilip na isang panibagong adventure at pagsubok ang haharapin ng bidang karakter bago siya umupo bilang bagong “Spiritual Leader” ng Valley of Peace.
Makikita rin sa trailer ang ilan sa mga mga bagong karakter katulad ng corsac fox na si Zhen at ang lider ng Den of Thieves na si Han.
Narito ang bahagi ng synopsis na inilabas ng Universal Pictures:
Baka Bet Mo: ‘Abigail’, ‘Tarot’, bagong ‘Ghostbusters’ mga pelikulang mananakot sa 2024
“After three death-defying adventures defeating world-class villains with his unmatched courage and mad martial arts skills, Po, the Dragon Warrior is called upon by destiny to… give it a rest already. More specifically, he’s tapped to become the Spiritual Leader of the Valley of Peace.
“But a wicked, powerful sorceress, Chameleon, a tiny lizard who can shapeshift into any creature, has her greedy, beady little eyes on Po’s Staff of Wisdom, which would give her the power to re-summon all the master villains whom Po has vanquished to the spirit realm.”
Star-studded ang magboboses sa mga karakter at kabilang na riyan sina Jack Black, Viola Davis, Awkwafina, Dustin Hoffman, James Hong, at marami pang iba.
Kung nasaksihan niyo naman ang hit movie na “A Quiet Place,” magandang ring isama niyo sa listahan ang prequel nito.
Pinamagatan itong “A Quiet Place: Day One” na nakatakdang ipalabas sa June 26.
Kalalabas lang ng first trailer ng pelikula at mapapanood agad kung paano nagsimulang naging tahimik ang mundo.
Ilan sa mga bibida sa bagong movie ay sina Lupita Nyong’o, Joseph Quinn, Alex Wolff at Djimon Hounsou.