Sofia Andres itinangging buntis siya, may nilinaw sa viral photo

Sofia Andres itinangging buntis siya, may nilinaw sa viral photo

AGAD na itinanggi ng aktres na si Sofia Andres ang mga naglalabasang chika na nagdadalangtao siya.

Kamakailan ay nagtungo sa Bangkok, Thailand ang aktres kasama si Sarah Lahbati para dumalo sa event ng isang beauty brand.

Makikitang ibinandera ni Sofia ang mga larawan na kuha sa naturang event kung saan nakasama niya sina South Korean actress Lee Sung Kyung, at Thai star Win Metawin.

Ngunit sa isang larawan nilang tatlo nina Win at Sarah, mapapansin na tila may baby bump siya.

Kaya naman ang ilan ay iniintriga ang aktres kung may paprating na nga bang kapatid ang anak nila ni Daniel Miranda na si Zoe.

Baka Bet Mo: Sofia Andres nabiktima rin ng sindikato sa socmed, fake FB account buking


Paglilinaw ni Sofia, “I’m not pregnant [heart emoji]  it’s the time of month.”

Marami naman sa mga netizens ang agad na sinuportahan ang pahayag ng aktres.

“I think it’s the shadow,” saad ng isa sa mga tagasuporta ni Sofia.

Comment naman ng isa, “Lalaki talaga puson kapag paregla na hehe.”

“Bakit ba prinoproblema ng iba ang tiyan kung flat or may puson… normal lang din sila hndi manika!!” pagtatanggol naman ng isa kay Sofia.

Samantala, isang netizen naman ang nagsabi na wish niya nang magkaroon ng baby brother si Zoe.

Sagot ni Sofia, “Dili jud uy!”

Read more...