Yassi, Luigi nagpakilig sa ‘kissing’ video, ‘in a relationship’ na nga ba?

Yassi, Luigi nagpakilig sa ‘kissing’ video, ‘in a relationship’ na nga ba?

PHOTO: Instagram/@yassipressman

MUKHANG kinumpirma na ng aktres na si Yassi Pressman na dyowa na niya si Camarines Sur Gov. Luigi Villafuerte!

Sa isang Instagram post, ibinandera ni Yassi ang ilang moments ng dinaluhan nilang wedding at makikita sa dulo ang isang video na hinalikan ng aktres sa labi ang politician, habang pinapanood ang fireworks.

Caption niya, “A beautiful night of love [heart hands, white heart, fireworks emojis].”

“Swipe to the end for a kilig surrrpwiiz [happy face with hearts emojis],” wika pa niya.

Baka Bet Mo: Yassi ‘kinilig’ sa pa-screening ni Luigi para sa kanyang pelikula, naka-bonding pa ang Villafuerte family: ‘Na-touch po ako ng sobra’

Shinare din mismo ni Gov. Luigi ang kissing video nila ni Yassi sa kanyang Instagram Stories.

Sa comment section ng IG post ni Yassi, maraming fans at mga kaibigan nila ang tuwang-tuwa at kilig na kilig.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Last video Wow [shocked emoji]…Kinilig [face blowing a kiss emoji] kami dito [happy face with heart eyes emojis]… Sana kayo na nga Forever folded hands emoji]”

“Love the last picture, they are so sweet [happy face with heart eyes].”

“It’s actually kilig @yassipressman, congratulations be happy always, let this heal everyday struggles idol [emojis].”

“Awww iba talaga ang Gov. Luigi namin [happy face with heart eyes emoji] Ingatan mo po si Ate Yass [red heart emoji].”

Noong Setyembre ng nakaraang taon nang mag-open up si Yassi tungkol sa relasyon nila ng gobernador.

Ayon sa dati niyang interview, ayaw pa niyang lagyan ito ng “label” dahil hindi naman sila nagmamadali sa kanilang lovelife.

Kamakailan lang, madalas makita si Yassi na kasama si Luigi at nakikipag-bonding din sa pamilya ng politician.

Read more...